Ashton Haley Johansson
Nagdrive pa uli ako para lang maghanap ng ice cream. Grabe 5km pa ang layo ng lokasyon namin kanina sa gas station. Nagbabakasakali pa akong may convenience store dun. Binilisan ko ang pagdadrive. 220mph na nga takbo ko e. Buti walang masyadong sasakyan sa ganitong oras.
Pagdating ko sa gas station dumeretso nako sa convience store at hinanap ang freezer nila. Sakto namang may nakasabay akong lalake na kinukuha ang ice cream na hinahanap ko. Agad na rin akong pumunta sa freezer kaso wala akong makitang chocolate kitkat na flavor. Tsk!
'120 po sir'
"Wait! Kailangan ko ang ice cream na yan!"
Tinignan naman ako ng babae sa cashier at yung lalaki. Lumapit agad ako sa kanila at kinuha ang wallet ko.
"Babayaran ko yan ng doble" sabay lapag ko ng 500.
"Oy bata ako nauna kung gusto mo ng ganitong flavor maghanap ka na lang sa ibang tindahan" the fuck?! Sampung kilometro pa ata yung layo nun dito e.
"Argh fine!" at nilabas ko ang 1000 at binigay dun sa lalaki
"Madali ka naman palang kausap e" sabi niya at kinuha ang pera at umalis.
Argh! Loko Peklat pag di mo pa nagustuhan tong ice cream nato . Itatapal ko na lang to sa mukha mo.
-----
Pagbaba ko wala akong nadatnang Peklat. Ang tahimik ng buong paligid. Imposible naman siyang makakauwi kase unang una wala siyang sasakyan at pangallawa kaming dalawa lang ng nakakaalam kung saang lupalop kami ngayon.
"SCARLETT!" wala akong narinig na sigaw pabalik. Tsk!
"PEKLAT WOY! ASAN KA BA?!"
Kinuha ko na ang phone ko at tinawagan siya. Sinundan ko ang tunog hanggang sa ilalim ng platform nakita ko itong nakatapon lang dito. Asan na yun?! May napansin naman akong kakaiba sa isang poste na sumusuporta sa platform.
"Andito ka lang pala e" nilapitan ko siya. "Eto na ice cream mo!" sabay lagay ko nito sa tabi niya.
Kaso di pa rin siya kumikilos kaya tinapik ko na siya. Kaso bigla siyang napahumiga. Shit! Ang lamig ng balat niya!
"Scarlett!" agad akong napatingin sa mukha niya. May dugo sa labi niya hanggang sa pisngi. Shit! Agad ko na siyang binuhat pero mas kinabahan ako nang may mahawak akong basa sa may tagiliran niya. Ano to? Dugo?! Double shit! Kaya nagmadali nakong umakyat habang buhat siya. Sinakay ko na siya sa passenger seat at sineat belt. Agad na rin inistart ang kotse para itakbo siya sa malapit na ospital.
BINABASA MO ANG
The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]
Novela JuvenilWhat if the bad boys met their match? What if the troublemakers met their match? What will happen if their worlds clash? Highest Rank: #14 in Teen Fiction