Karl Andrei Hoffman
She seem to be depressed this morning I think wala pa silang balita kay Roxie. And Lance has a hang over dahil na rin sa kanya. Seem weird things happening kapag siya ang pinaguusapan. Masyado siyang masikretong tao. Well they are all, pero parang mas higit lang talaga siya.
"Grabe salamat pinagorder niyo ko ha?" sarkastikong sabi naman ni Blaine nang nakaupo na siya galing sa counter.
Hinihintay kong sumagot yung dalawa ng 'You're welcome' or ibang banat nila kaso parang wala silang narinig at busy sa mga cellphone nila. Nagtinginan naman kami ni Blaine dahil sa pagtataka.
"Hanggang bukas na lang pala ang slave agreement" sabi naman ni Blaine na ikinatingin namin sa kanya. "Kaya sulitin niyo na umpisa ngayon" dagdag pa niya.
"Di ka lang ata pinagorder sinapian kana" sabi naman ni Beatrice at binalik ang mga mata niya sa cellphone.
Bigla naman nagbuntong hininga si Sophia at binaba ang phone niya saka tumayo at pumunta sa may counter at kinausap si tita. Inubos na namin ang iniinom namin saka na rin kami tumayo.
-----
Nagpaalam naman samin yung dalawa na magccr kaya nauna nakami.Pagdating namin sa room wala kaming nadatnan na Lance at Roxie. Mukhang hindi pa rin tumitigil si Lance sa paghahanap. Gusto ko man magtanong kay Scarlett kaso mukhang tulog.
"Ash may nasabi na ba?" tanong ko.
Umiling lang siya, kaya umupo na ko sa upuan ko saka tumingin sa may bintana.
"Ang tagal ata nung mga yun?" takang tanong ni Blaine.
Dumating na ang prof wala pa rin sila. Kaya tumingin ulit ako sa bintana at nakitang lumalabas ng university ang dalawa. Saan pupunta yung mga yun? Kaya agad kong kinuha ang phone ko at dinial ang number ni Sophia.
'The subscriber cannot be reached please try again later' Tsk!
Kaya tumayo nako saka tumakbo palabas.
'MR. HOFFMAN!' sigaw ng prof pero di ko na siya pinansin.
Malapit nako sa may gate nang nakita kong sumakay sila sa isang kotse. Shit! Kaya tumakbo ako papuntang parking lot at pinaandar ang kotse ko. Agad kong hinanap ang itim na kotseng sinakyan nila sa daan. A black Chevrolet cruze to be specific. Halos humaba na ata ang leeg ko kakahanap ng ganung kotse hanggang sa may nakita akong lumikong ganung dalawang kotse sa may isang intersection kaya binilisan ko pa ang takbo ko saka ko sila sinundan.
BINABASA MO ANG
The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]
Teen FictionWhat if the bad boys met their match? What if the troublemakers met their match? What will happen if their worlds clash? Highest Rank: #14 in Teen Fiction