Ashton Haley Johansson
Biglaan naman atang nag aya ng lakad tong si Karl at balita ko kasama daw sina Peklat kaya mas lalo akong nawiwirduhan sa mga kilos niya. Pero okay lang atleast makakapagrelax kami sa beach.
Chineck ko muna lahat ng dadalhin kong gamit saka nako lumabas ng kwarto ko. Nadatnan ko namang may kausap sa phone si Karl habang yung dalawa wala pa.
"Uy lover boy!" sigaw ko kay Karl at agad naman niyang binaba ang phone niya. Mukhang si Sophia nga ang kausap.
"Umagang umaga ang ingay ingay mo" sabi niya saka na siya pumunta sa kusina. Ilang sandali lang lumabas bitbit ang bottled water saka lumabas. Mukhang dun niya itutuloy ang tawag.
Bat antagal naman ata ng dalawa? Si Lance naman kakauwi lang galing sa kanila. Mukha ngang problemado e.
"Sabay kana kaya Lance sakin mukhang wala ka pang tulog" sabi ko nang nakita siya bumababa bitbit ang bag niya.
"Kaya ko naman magdrive" walang gana niyang sagot kaya pinabayaan ko na. Kaya niya daw e baka kaya niya ding magdrive habang tulog.
-----
Nagkanya kanya kami ng kotse at dumeretso na sa bahay nina Peklat. Pagdating nga namin nasa labas na sila at pinapasok na sa sasakyan nila ang mga gamit nila.
"Andami niyo atang bitbit na sasakyan?" tanong ni Beatrice.
"Parang may car show niya e" walang buhay na sagot ni peklat saka na siya pumasok sa 4x4 nilang sasakyan. Tignan moto di man lang bumati.
"San ka sasabay Sof?" tanong ni Roxie sa kanya. Halata namang natense siya at di alam kung anong sasagutin. Tsk tsk kanino nga ba siya sasabay kay Karl? o sa mga kaibigan niya?
"A-ano... Waaaahhhhh why did you bring cars pa kase!" reklamo niya "Dapat kase nagrent tayo ng bus para wala ng choice huhuhu"
"Sumabay kana kay Karl bestie"
"Oo nga mukhang iiyak na oh!" sabay tawa naman nila saka na sila sumakay sa sasakyan. Mukhang si Roxie ang magdadrive. Di ba siya nadala dun sa aksidente niya? She's fearless if not.
Pinagbuksan naman ni Karl si Sophia ng pinto at inalalayan siyang makasakay. Wow ang gentleman naman para inaalalayan lang niya ang buntis niyang asawa.
"Woy Blaine mukhang di kana baby ni Karl" tukso ko kay Blaine.
BINABASA MO ANG
The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]
Teen FictionWhat if the bad boys met their match? What if the troublemakers met their match? What will happen if their worlds clash? Highest Rank: #14 in Teen Fiction