TBBMTTM 81 ☆

3K 93 18
                                    



Lance Randall Schwarz


Ihahatid ko na sana si Roxie papunta sa pupuntahan niya kaso nakita ko nang sinundo siya ni Kris kaya nagpasya na lang akong umalis at sumakay sa kotse ko.


Hay a joke huh? Stupid Lance!


Pauwi na sana ako nang biglang tumawag si mama.


'Lance you have to come here right now' 


"Bakit ma? Is there something wrong?"


'Ang papa mo ilang araw ng nakukulong sa may study room niya. Even the secretary ayaw niyang papasukin'


"I'm on my way"


'Okay be careful. Love you.'


"Love you" saka ko na pinatay ang tawag. Ano kayang nangyayare kay papa? Parang masyado naman ata siyang weird ngayon.


Kaya hinarurot ko na ang sasakyan papaunta sa bahay namin.




-----




"Lance" tawag sakin ni mama pagkapasok ko. Sinalubong din ako ng ibang maid tsaka nagbow.


"Ma what's happening? Where's papa?"


"Nasa study room pa rin" alalang sabi niya. 


Hinawakan ko siya sa balikat niya para pakalmahin siya saka nako umakyat at dumeretso sa study room. Sinubukan kong ipihit ang door knob kaso nakalock ito kaya kumatok ako.


"Pa! Si Lance to! Open the door!" 


Agad namang bumukas ang pinto at nakita ang payat at pagod na pagod na ama. Magulo ang buhok at maiitim na mata. Medyo amoy alak din. Hinila niya ako papasok kaya nakita ko kung gaano kagulo ang buong kwarto.


"Pa anong nangyayare?"


"You have to save the company. I already appointed you to be my heir so you have to marry the daughter of the congressman"


"Ano?! PA you have to calm down!"


"NO!! WALA NG ORAS LANCE!! Ayokong magtagumpay ulit sila sa mga binabalak nila! Especially those Lamberts! Di ko hahayaang maging masaya sila! Kaya Lance you have to follow what I say!" sabay duro niya sakin kaso naout of balance siya dahil sa kalasingan.Ilang araw na ba siyang umiinom? Agad akong tumakbo papunta sa kanya at tinulungan siyang tumayo.

The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon