TBBMTTM 90 ☆

2.4K 72 7
                                    


Ashton Haley Johansson


Nandito kami ngayon sa may bar kasama sina Lance. Di ko naman expect na dito din naman sila knowing Lance mas feel niyang magbar ng gabi kaysa sa umaga pero tignan niyo nga naman. Okay lang naman ang lugar open ang dalawang side, gawa sa bamboo, may mga puting kurtina rin ang bawat pasilyo at maluwag ang lugar.


"Pwede bang tigilan mo na kakasunod sa kin" taboy naman ni Peklat sakin.


"Bakit para makapaglandi ka?" pabiro kong tanong sa kanya. Tinignan naman niya ako na parang iilibing ng buhay sa sama ng tingin niya.


"OO MAGLALANDI AKO! KAYA TSUPI!!" inis niyang sigaw sakin saka umupo sa tabi ni Roxie at may binulong habang nakatingin pa rin saking masama. Nakita ko naming nagsmirk si Roxie saka ako tinignan mula ulo hanggang paa. Nako di ko ata gusto ang gagawin ng mga to!


Tumayo sila sa kinauupuan nila sa may counter na ipinagtaka ni Lance na katabi ni Roxie. Sabay naming sinundan ng tingin ang dalawa habang naglalakad papunta sa isang table. Napatayo si Lance nang puro lalake ang nasa table na nilapitan ng dalawa.


Agad kong nilapitan si Lance na nakatingin lang sa nakakumpol na apat na kalalakihan dun sa dalawa.


"Ano nanaman bang ginawa mo at dinamay niya pa si Roxie?" inis na tanong sakin ng katabi ko.


"Wala"


"Tss"


Okay nagsinungaling ako. Di ko naman kase naisip na seseryosohin niya yung sagot ko sa kanya kanina.


Nagtatawanan lang sila ng biglang may umakbay na dun sa dalawa. At si Lance nakita kong mahigpit na nakahawak sa baso niya. Konti na nga lang nababasag niya yun kung hihigpitan pa niya yung hawak.


"Let's go!" sigaw nung mga lalaki saka sinasama yung dalawa.


"I'm sorry we can't" rinig kong sabi ni Roxie saka tinanggal ang pagkakaakbay sa kanya nung isang lalaki na ganun din ang ginawa ni Peklat.


"Oh come on!" pilit nang lalake saka na sila hinihila para sumama sa kanila.


Bago pa man kami makaaksyon ng katabi ko isa isa na silang pinatumba nung dalawa. Balibag dito, sipa doon isama pa ang iilang mga sampal at suntok na pinakawala nila. Isa isang dinampot ng mga gwardya ang mga bugbog saradong mga lalaki. Nakasimangot na bumalik samin ang dalawa saka pabagsak na umupo sa may counter.


"Flirting gone wrong?" pangaasar ko kay Peklat. Tinignan naman niya ako ng masama na ikinatawa ko.


"Then show us how it's done Hoffman" bakas sa tono ni Roxie na naiinis siya sakin mukhang narinig niya yung sinabi ko. "That girl" sabay turo niya sa magisang babae na nakaupo sa isang table at nakatingin sa may beach.

The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon