Blaine Ramstein Evans
Ano ba yan! Edi sila ng sweet! Nakita ko namang hinubad ni Roxie ang sando niya. Naghiyawan ang ibang nandito dahil nakasports bra siya at denim shorts. Magisa siyang tumalon ang astig nga e parang sa scene ng movie kung saan parang may sumabog sa likod tapos tatalon yung bida. Yung ganun gets?
Naghiyawan ulit ang mga tao nang umahon siya. Kahit nga si Lance konti na lang amo maglaway na.
'Woooohhhh wet look!'
'Miss number mo!'
"Tsk!"
Bigla namang lumapit si Lance at binalutan ang katawan niya ng tuwalya. San niya nakuha yun? Parang wala lang na tinanggap ito ni Roxie saka na siya umupo sa tabi ni Scarlett at mukhang galit na nakatingin kay Ash. Bagay nga sa kanya sana bugbugin niya si Ash e.
"Okay ka lang?" tanong niya sa kaibigan. Tumango naman siya saka na siya nanahimik. Tumabi naman sa kanya si Lance nakakatakot na tumingin sa mga lalaking nakatingin. Luh? ang bilis naman atang magchange ng feelings tong si Lance. Nung minsan lang nagconfess siya sakin huhu
Dumating naman sina Sophia at Beatrice na mukhang hindi tumalon saka na lang bumaba. Hinagis naman ni Beatrice ang sandong hinubad ni Roxie sa kanya. Sinalo naman niya ito saka sinuot uli.
"Thanks" sabi niya saka binalik ang twalya kay Lance.
"No problem" sabay ngiti niya at tinanggap ang tuwalya.
'Grabe pre ang seksi nung isa oh'
'Ah oo nga no? yung maikli yung buhok no?'
'Oo kunin natin ang number'
Tinignan ko lang yung mga nagsasalita saka na sila nanahimik. Problema ng mga to? Tinignan ko lang naman sila ah.
"Tara balik na tayo ng rest house" yaya ni Karl.
"Kaya mo?" tanong ni Roxie at akmang tutulungang tumayo ang kaibigan.
"She can manage" singit ni Ashton at binuhat in bridal style si Scarlett.
"Ibaba mo nga ako! Kaya ko namang maglakad!" reklamo ng bitbit niya.
"Pwede ba manahimik ka na lang?" iritadong sabi niya. Parang ang init ata ng ulo niya ngayon?
"Aish!" inis na sabi niya saka na lang siya nanahimik pero naiinis pa rin niya tinignan si Ash.
BINABASA MO ANG
The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]
Teen FictionWhat if the bad boys met their match? What if the troublemakers met their match? What will happen if their worlds clash? Highest Rank: #14 in Teen Fiction