TBBMTTM 47 ☆

4.6K 128 2
                                    


Scarlett Audie Williams


Pagdating ko ng parking lot isang alien na Abo ang sumalubong sakin. Pano kaya makangiti wagas ang hangal. Lumingon pa nga ako sa likod ko baka may katawa tawang nangyare pero waley. Bigla namang nagring ang phone ko. 


"Yes?"


'Dinner tonight?'


"I'll think about it" sabi ko with my sexy voice.


'There's no need for ...'


"ANO BA?!" bigla ba naman inagaw sakinang phone ko. Sino ba siya sa inaakala niya? My mom? Tss.


"Sorry but she's busy right now" at ayun inend pa ang call.


"Akin na nga yan!"


"Nuhuh not so fast baby" at tinaas niya pa lalo yung phone ko. Tsk! Bat kase may matatangkad pang nilalang sa mundo. Well except kay Roxie.


"Yuck! Baby your face! Akin na tangina!" Kaya sinipa ko siya sa junjun niya. Napaupo at namalipit siya sa sakit. Serves him right! At agad ko nang inagaw ang phone ko sa kanya. No one can touch my phone without my permission. Hmp!


Dumeretso nako sa kotse at sumakay sa may back seat. Hay nawalan pako ng msarap na dinner dahil sa ginawa ng hangal na to.


Sumakay na siya ng kotse at tumingin sakin nakasmile pa rin ang ugok kahit halata namang nainis siya sa ginawa ko kanina.


"Saan mo ba gustong pumunta? My treat" psh! Aba dapat lang! 


"Kahit saan but from the moment  di ko nagustuhan ang lugar... I'll kill you"


Tumawa naman siya kahit pinagbantaan kona. Naluwagan ba to ng turnilyo sa ulo kaya ganyan kumilos ang loko? Tsk tsk natuluyan na nga.




-----




Nakatulog nako sa byahe dahil sa ewan ko kung nasaang parte na kami ng pilipinas ngayon. Baka nga di na parte to e. Puro puno na lang ang nakikita ko sa tabing daan. Tumigil kami sa isang tabi bumaba na rin ako at sumalubong sakin ang malaking buwan na tila naging kapalit ng araw na nagbibigay ng liwanag sa gabing madilim. Mga bituin na nagsilbing palamuti sa itim na langit. Maririnig din ang hampas ng alon na maririnig sa ilalim ng platform kung saan kami nakatayo. Nilanghap ko ang sariwang hangin na bigay ng kalikasan.


"DITO!" 


Dumungaw ako at nakita kong nasa baba si Abo. Hay malalagyan neto ng buhangin ang bago kong sapatos. Kaya hinubad ko ang mga ito at binitbit. Bumaba ako at naramdaman ang mapinong buhangin.

The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon