Beatrice Cassie Montes
Umalingawngaw ang tunog ng buzzer sa buong gym. Lahat ng tao ay nagingay ng masaya dahil sa nanalong team, ang iba naman ay nadismaya at nalungkot.
"Nice game" mahinang sabi sakin ni Karl na katabi ko ngayon.
"Yeah" at naglakad nako pabalik sa mga kasama ko na kumakaway sakin.
Nagyakapan kami at nakangiting umalis ng court. Agad na kaming dumeretso sa banyo para magshower at makapagbihis. Parepareho kaming nakahoddie ni Roxie habang pareho naming naka-varsity sina bestie.
Pagkatapos naming magayos ay pumunta muna kami ng rooftop para magpahangin. Alam kong pansin niyong tahimik kami ngayon. Kase naman ngayon lang talaga kami may na kalaban ng ganun sa basketball. Kaya napagod talaga kami.
Busy naman ang lahat sa pagaayos ng stage sa may field para sa awarding mamaya. Kami ang magoopening remarks at maghohost ng buong closing program kaya kailangan talaga naming magpahinga.
"Hay napasabak talaga tayo ngayon huh" pambabasag ni Roxie.
Napatingin kami sa kanya at ngumiti dahil mukhang pare-pareho lang pala ang iniisip naming apat.
"Buti alam mo at may atraso ka pa samin Roxie" pambibiro ni Scar.
"What?" painosente pa niyang tanong.
"Ikaw Roxie kase you're so daya naman akala namin binomba mo na kami" sabay pout ni bestie.
"Oo nga"
"Dumating naman ako ah"
"Sus. Ewan ko sayo" sabay roll eyes pa ni Scar.
"Yah di ka namin bati. Di ba bestie?"
"Yup" sabay nod ko pa.
"At dahil diyan sagot mo ang pizza mamaya" sabay belat ni Scar sa kanya.
"And FRIES!!!!!" sabay na sigaw namin ni bestie.
Tinignan naman niya kami with her 'I-don't-believe-you-guys look' pagkatapos ay nagbuntong hininga pa siya na ikinatawa naming tatlo. Nagkatuwaan na lang kami at pinagkwentuhan ang game kanina.
"Pero infairness di ko expect na magagamit naten yung tactics na yun" like the 'sports bra thing'
Napanganga pa nga yung dalawa e. Si Blaine at di ko alam ang pangalan na nilalang. Napasmirk naman yung si Ashton habang yung dalawa nanlaki ang mata. Sarap ngang hugutin e.
"Syempre lalake pa din ang mga yun mga hangal yun e. Tignan mo naka 10 point lead pa nga tayo nun e"
"Kung di lang siguro sila nagtime-out tuloy tuloy na sana natin natambunan"
"Yeah true pasalamat pa sila na nakita nila yung gorgeous body ko" pagmamalaki ni bestie.
"Oo na lang Sof" pambabara ni Roxie.
"You're just jelly Roxie" sabay roll niya na ikinatawa namin.
"Fine. Fine." sabay tayo niya at nagstretching.
"Tara na nga oras na. 10 mins. na tayong late" sabi ko sa kanila.
"They can wait" sabay tayo na rin ni Scar.
At tumayo na rin kami ni bestie. Bumaba na kami at pumunta sa field. Agad kaming dumeretso ng backstage.
"Hay girls buti naman andito na kayo kani—"
Di na naming siya pinatapos magsalita at umakyat na kami ng stage. Sumalubong samin ang hiyawan na ikinangiti namin. Andito na rin ang mga boys sa stage. Buti nauna ata sila samin. Andito na rin ang buong faculty. Pumunta na kami malapit sa mic.
Magsasalita n asana si bestie ng muntik ng mahulog ang mic na ikinabigla naming buti na lang mabilis ang reflex ni bestie kaya nsalo niya agad ito.
"Enebeyen excited si koyang mic" pabirong sabi ni bestie na ikinatawa ng lahat.
"Anyways, we congratulate all participants who cooperated and joined in different kind of event. And of course biggest congratulations to us, GIRLS!!!!" sigaw niya na ikinaingay ng mga babae.
Oh yeah, I forgot to say we actually won you know. Kaya ganito na lang ka makasigaw si bestie. As if magpapatalo kami sa mga yun duh. Sorry but that's not our style. Kinuha naman ni Scar ang mic.
"So guys, a deal is a deal. Right?" sabi niya sabay smirk niya. Kaya naghiyawan ulit ang mga babae sa crowd. Tinignan naming sina Karl na walang imik sa tabi.
Simula palang to ng mga plano naming pantitrip sa mga badboys na yan. They better get ready for more.
===============================
Well yeah, this Christmas vacation magiging active ulit ako sa pagaupdate well except na lang talaga tuwing holidays. Aba gusto ko rin naman maenjoy no. Natatouch talaga ako mga taong naghihintay ng chapters kahit tama tong author niyo. I'm so blessed to have you guys.
Thank you din sa mga nagvovote :) Really appreciate that. Mwah!
Anyways, Troublemakers on the media.
Next update: 12/17/16
Don't forget to leave a comment and vote :)
『laiterangdyosa』
BINABASA MO ANG
The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]
Teen FictionWhat if the bad boys met their match? What if the troublemakers met their match? What will happen if their worlds clash? Highest Rank: #14 in Teen Fiction