Ashton Haley Johansson
Kagabi lang talaga ako nainis, pagdating kase sa gaong scenario ako ang expert. Tsk! Agad na akong bumangon sa kama ko at ginulo ang buhok ko para naman wala ang frustrations ko dahil sa stupid car chase na yun.
Pumunta nako sa cr para maligo at magayos sa panibagong araw ko na pagiging gwapong nilalang sa mundo.
"Eto nanaman?" tanong ko habang nakatingin sa nakahapag sa mesa. Cereal nanaman. Yung isang dosena atang binili ni Blaine last time. Purgang purga na nga ako sa cereal na yan e.
"Edi wag kang kumain ganun lang yun" sabay irap sakin ni Blaine. Ewan ko ba parang nahahawa na rin to sa mga babaeng yun.
Tae nakakawalang ganang pumasok. Ewan ko parang nakakatamad. Sakto namang may nagtext.
Peklat: 'You should be here! Hahahahaha'
Nagreplay naman ako
'Ano nanaman yang katripan mo? At tigilan mo nga ako. Ano papasundo ka ba?'
Pero wala nakong message na natanggap sa kanya. Nice gandang kausap.
"Ash dapat ata wag ka munang pumasok" sabi naman ni Karl habang nagbabasa ng dyaryo.
"Ha? Bakit naman?" tanong naman ni Blaine.
"Baka magkastampede"
"It's all over the social media I think" sabay pakita pa samin ng isang status sa facebook ni Lance na shinare ni Sophia. May nakaattach ding photo ng mga babaeng parang nagwewelga sa harapan ng university.
"What? Wait... Kelan ka pa nagkafb account?" takang tanong naman ni Blaine. Oo nga ako nga nagdeactivate pako dahil andaming nagmemessage sakin, di ko man nga friends yung iba.
"Last week? ... What?" sabay tingin niya samin.
Agad namang kinalikot ni Blaine ang phone niya.
"Bat di mo pako inaadd?" sabay pout pa niya kay Lance.
"Huh? Sino ka ba dito?"
Nakita madaming lumitaw na account na nakapangalan kay Blaine. Mga poser ba lahat ng to? Halos mukha niya lahat ang profile maliban sa...
"Yung Ben10 yung profile"
Grabe kung iisipin parang siya pa yung poser.
"Hindi ba mas mapapansin na ikaw ang totoong account dahil magiging friend mo si Lance?"
"Nope naayos ko na ang privacy settings kaya di naman nila malalaman"
"Sino na ba ang mga friends mo?"
"Si Blaine, Sophia, Scarlett, Karl and Beatrice"
"Seriously sila lang?!" si Peklat? Buti inaccept siya. Wala rin bang account si Roxie? Baka di inaaccept? Hahahaha
"Got a problem? Tss" sabay alis niya sa kusina. Hahahahahahahaha
Kinuha ko na ang susi ng sasakyan at nagdrive papunta sa bahay nila. Pagdating ko si Roxie na lang nadatnan ko na pasakay na sa kotse niya.
"Umalis na kanina pa" cold niyang sabi sakin sabay sarado niya ng pinto at pinaandar ito paalis. Grabe di man lang ako hinintay magsalita. Kaya bumalik nako sa kotse ko at sinundan ang kotse ni Roxie papuntang university.
Nasa gate pa lang ako dinumog na ang kotse ko ng mga babaeng patay na patay sakin tae ni mabuksan nga pinto di ko na mabuksan. Para akong nasa zombie apocalypse movie.
Bigla namang nagring ang phone ko. Si Peklat.
"Ano aasarin mo nanaman ba ko?"
'What? Wala naman akong ginagawa ah'
"Kaya mo siguro ginagawa to kase crush mo ko no?" sabay tawa ko pa. Sus pwede naman niyang sabihin sakin e.
'Asa ka pa Abo'
"See? Denial!"
'Hahahahahaha denial your face. Your just a mere toy to me. Like a barbie doll' at tumawa nanaman siya sa kabilang linya.
Pinatay ko na lang sa sobrang inis ko. Tsk! Dumating nadin ang mga guard at sina Lance. Para makaalis sa gusot na gawa ng Peklat na yun. Argh! Ngayon lang talaga ako napikon sa babae! Di pa tayo tapos Peklat!
-----
Pagpasok ko ng room nakita ko namang nakangisi si Peklat. Di lang dahil sa tulong nung mga teachers at guards di ako makakapasok ng maayos. But I tried to act normal and kept my cool.
"Kamusta welcome parade?" pangaasar ng isa kong kaklseng lalake sakin.
"Well sanay naman akong dinudumog ng kababaihan. Di ko naman sila masisisi sa gwapo ko ba naman to diba?"
Narinig ko namang tumawa sina Peklat na nakatambay sa pwesto ni Roxie.
"Bestie ang lakas ng hangin right? Parang babagyo ata. So scary"
"Agree bestie." pangsasangayon naman ni Beatrice habang di tinatanggal ang tingin niya sa binabasa niyang libro.
"Roxie you should close the window tutal MAHANGIN naman dito sa loob ng room." sabay smirk naman ni Peklat habang tinitignan ako. Talagang inemphasize niya ang salitang 'mahangin' huh?
Sakto namang dumating sina Lance.
"Buti buhay ka pa?" pangaasar pa ng kadarating lang na si Blaine. Sarap sipain sa mukha.
"Maraming magluluksa kapag nangyare yun"
"Talaga? Baka magluluksa sa tuwa" sabay tawa niya at ng mga tao dito sa room. Grabe ang napakasupportive na kaibigan. Kunin nawa ang kaluluwa.
-----
Lumipas ang ilang araw ganun pa din ang nangyayare. Pagod na pagod na ko sa kakatakbo at kakatago. Nagsasawa na rin ako sa mga pangaasar ni Peklat sakin tuwing hinahatid ko siya. Minsan nga may kasama pa siyang lalaki tapos papahatid sila sa iba't ibang lugar. Argh! Bat antagal matapos ng isang buwan! TANGINA!!!
'Grabe ang ganda nung nabasa kong story sa watty'
'Ow? Anong title?'
'*************'
'Ay! nabasa ko na yann tungkol sa ...'
I didn't mean to eavesdrop pero alam ko na kung pano ako makakaganti sa Peklat na yun! Humanda ka Peklat!
===============================
Let there be a cliffhanger! Hahahahaha peace yow!~
To inform you guys! May 5k reads na tayo! Yehey! And also nasali na rin tong story ko sa rank #398. Kaya I'm really really thankful to you guys! Tho sa iba di big deal pero naaapreciate ko lang kase talaga ang mga efforts niyo to read, to vote and even to add this story to your reading lists. Thank you and I love you guys! You're the best of the best! Mwa!~
Anyways, di pa rin ako nakakarecover sa concert ng EXO and good news! #Teambahay nanaman! Isn't that great? Grabe di man ako nagluksa promise! Di talaga! *cries on the corner*
Next update: 03/02/17
Jongin my labs buti pa ikaw binibisita mo ko palagi ... kahit sa panaginip lang. T^T
『laiterangdyosa』
BINABASA MO ANG
The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]
Teen FictionWhat if the bad boys met their match? What if the troublemakers met their match? What will happen if their worlds clash? Highest Rank: #14 in Teen Fiction