TBBMTTM 28 ☆

6K 211 17
                                    

Blaine Ramstein Evans

Nandito kami ngayon sa bahay at may kanya kanyang ginagawa. Si Karl as usual naglalaptop. Si Ash nasa labas may kausap sa phone malamang bagong babae nanaman niya yun. Si Lance naman nasa kwarto pa mukhang tulog pa.

Tinapos ko lang ang isang episode ng Ben10. Tumayo nako at pumunta sa kitchen para kumaen. Pagbukas ko puro tubig ang nakita ko. Naghanap din ako sa cabinet pero puro box ng cereal na walang laman ang nakita ko.

Hay ano ba yan.

"Karl! Wala ng pagkaen!" sigaw ko

"Edi bumili ka" sabi niya habang may tinatype pa rin sa laptop niya.

Kinamot ko na lang ang batok ko at pumunta sa kwarto ko. Binuksan ko ang drawer ko para maghanap ng chips. Kaso wala na rin pala akong stock. Hay ulit.

Kinuha ko na lang ang jacket ko at susi ng ng kotse ko at bumaba nako. Dumaan ulit ako sa kusina para kumuha ng tubig dahil nauuhaw na rin naman ako.



-----



"Welcome Sir" bati sakin ng security guard.

Nagnod lang ako at kumuha ng push cart. Agad akong dumeretso sa may chips section.

Kumuha ang ako ng limang malalaki. Pagtapos ay sa may drinks na. Kumuha ako ng tatlong kahon ng gatas, dalawang chocolate at tatlong may iab't ibang flavor ng juice. Kumuha na rin ako ng tatlong malalaking softdrinks. Napadaan naman ako sa may cereal section.

"Shit"

Napamura na lang ng makita ko ang Ben10 figurines na nakalagay sa cereal box. For real! Kumuha ako ng mga boxes na may iba't ibang figures para complete ang set ko.

Pagkatapos ay pumunta ako sa frozen goods section. Kumuha ako ng bacon, ham, fries at limang ice cream.

"Seriously?"

Napatigil naman ako nang bigla kong nakita si Beatrice na may push cart. Napansin ko namang nakaayos ang mga pinamili niya habang yung akin naman well... pass. Kumuha siya ng limang ice cream at tumingin ulit sakin.

Napansin ko din na halos gulay ang mga pinamili niya. Fresh meat, fish and whole chicken. May handaan ba sakanila?

"Walang handaan samen"

"Pano mo--?"

"It's written all over your face"

Sinundan ko siya. Lahat ng mga kinukuha niya kinukuha ko din. Kase naman di ako sanay maggrocery para sa aming apat. Kaya bilang mabait na nilalang maggogrocery nako para sa aming apat. Naiimagine ko lang pagmumukha ni Ash na bilib sakin dahil nakapaggrocery ako ng maayos hahahaha

Nagawa ng mapuno ang cart ko nang nakapila kami sa may cashier.

"Bat mo ba ako sinusundan?" tanong niya sakin.

"Hindi ah sadyang pareho lang binibili natin"

"Ah I see" saka siya tumawa ng mahina.

Wala naman akong sinabing joke pero bigla na lang siyang natawa. Tss. Nababaliw na ata. Pinabayaan ko na at pinaayos ko na sa counter para makuha ko kaagad ang kotse para naman paglabas ko sa may exit e deretso na lahat ng mga pinamili ko sa kotse.

Pagkatapos kong nagpark sa may exit agad kong pinuntahan yung counter at nagbayad. May tumulong naman saking tauhan ng grocery para magbitbit at sinakay sa kotse.

Di ko na hinanap pa si Beatrice dahil wala akong pake dun. Binigyan ko ng tip ang tumulong sakin at nagdrive na pauwi.

Habang nagdadrive ako naisipan kong dumaan sa may Burger King. Nagugutom na kase talaga ako. Nagdrive-thru na lang ako dahil maaninag kong mahaba ang pila sa loob. Umorder lang ko ng burger, fries at isang sundae.

Pag-uwi ko nagpatulong ako kay Karl sa pagbaba ng mga pinamili. Dumeretso agad kami sa may kusina para dun na ayusin ang lahat. Tumulong na rin si Lance na mukhang bagong gising lang.

"Seriously?" sabay buhos ni Lance ng mga cereal boxes sa sahig.

"What?"

"Sampung pare-parehong cereal? Pinupurga mo ba kami?"

"E kase sayang yung action figure"

Napailing na lang sila at nilagay na yung mga cereal sa may cabinet. Ganun lang ginawa namen buhos, reklamo nila at lagay. Ewan ko ba bat sila nagrereklamo edi sana sila na lang naggrocery tutal alam nila para naman wag na silang magreklamo. Tss.

"Ano to? Parang pillow" sabay hagis ni Ash sakin nung panghuling plastic.

Binaligtad koi to at lumabas ang mga huling aayusin namen. Ewan ko pero bigla akong namutla nung nakita ko ang laman. Naglakihan din yung mga mata ng mga kasama ko. Shit!

"Aanhin mo mga yan Blaine?" tanong ni Ash habang nagpipigil ng tawa.

"Nagdadalaga ka na ba?"

"F*ck you" inis kong sabi sa kanila. Kaya mas tumawa sila ng malakas.

Tangina di ko napansin na napkin nakuha ko habang ginagaya ko si Beatrice kanina. Now I know bakit tumawa siya kanina at bakit ako biglang tinignan ng mga tao sa supermarket lalong lalo na yung sa may counter.

Nagawa ko na atang sabihin lahat ng mura na alam ko tae. Nakakainis. Wala talagang nangyayareng maganda kapag nandyan yung mga babaeng yun.









===============================

Hey baka di mo na ako magupdate this coming days kase busy na sa bahay. Libot dito, alis doo hay kahagard na ng ateng niyo *sighs heavily*

Anyways sorry kng ngayon na lang ako nakaag update nalate na kase ako ng uwi kagabe kaya ganun. Gomen.

Enjoy niyo christmas break niyo hahaha pero sa lahat ibang may take home assignments tapusin niyo na! hahahaha Para maenjoy niyo na yung bakasyon.

Happy holidays! See you when I see you hahahaha

Blaine on the media

Don't forget to leave a comment and vote

『laiterangdyosa』

The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon