Epilogue 2

3.1K 70 50
                                    

Beatrice Cassie Montes

"Cass"

Kahit di pa ako lumilingon alam ko na tumatawag sakin. Nakaupo ako ngayon sa may stairs at nageemote dahil hanggang ngayon wala akong maisip na magandang plano para macelebrate ang graduation naming anim tapos sumabay pa ang problema ko para sa internship ko sa gusto kong pasukang kumpanya after naming gumraduate. Medyo busy kase si bestie kaya nahihiya na rin akong humingi ng tulong niya. At di ko naman maasahan yung isa dahil baka imbes na makatulong baka mastress lang ako lalo.

Ever since we can't find Roxie, Blaine has been the one with me the whole time especially when the other two have their own you know. Well, I don't blame them. Ewan ko magaling lang siguro tumaming din tong si Blaine. Now I just remembered noong nasa first years pa kami, frustrated at stress na stress ako noon sa mga prof ko na sunod sunod nagpapagawa na kung ano ano.

He was there noong muntikan nakong bumagsak sa project namin. Salamat sa mga walang kwenta kong kagroup noon. Naging tambayan ko na talaga tong hagdan nato lalo na kapag gusto kong magisip isip ng kung ano ano. I really don't want to disturb the girls especially si bestie lalo na lagi siyang pagod dahil sa pagsali niya sa dance troupe. 

"Wag kana sumimangot andito nako oh"

"Kase naman--"

"Hay.. Ah! Ganito na lang!" masaya niyang sabi at tumayo. Nabigla ako nang bigla niya akong hinawakan sa kamay at hinala ako patayo. "May pupuntahan tayo!" Halata sa mukha niya na excited na excited siya.He was always there whenever I need someone to talk to.

"Wait! San tayo pupunta?" taranta kong tanong sa kanya.

"Bastaaaa" saka kami tumakbo palabas ng building ng departent namin habang hawak pa rin niya ang kamay ko.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan niya at inalalayan ang ulo ko para di mauntog habang sumasakay ako. Dati kase nauntog ako kakamadali kong sumakay. Mabilis naman siyang tumakbo at sumakay sa driver seat. 

"May dumi ba ko sa mukha?"

I snapped out of my thoughts and buckled my seatbelt.

"Wala may iniisip lang ako" di ko napansin na nakatitig na pala ako sa kanya. Why am I staring at him by the way?

Pumunta kami sa cafe ni tita. Umupo ako sa dati naming pwesto habang siya naman ang umorder sa may counter. Tumingin ako sa paligid para hanapin si tita kaso mukhang wala siya ngayon. Napansin ko namang tinitignan si Blaine ng ilang mga babaeng customer dito. Well lagi naman nangyayari yun e. Some even approach him to take his number. 

Thinking about it he never shared anything to me. Lalo na tungkol sa ganung bagay. We talked about some personal things like family matters like friends but I guess there are limits. 

"Uy! Kanina mo pa ako tinitignan ah baka malusaw nako nyan"

I just laughed and took a sip to my coffee. 

"May gusto ka bang sabihin sakin?"

"Wala naman"

"Sure?"

Halata sa boses niya na nagaalala siya kaya napatingin ako sa mukha niya and felt weird kaya mabilis kong iniwas ang tingin ko.

"Don't make a face like that"

"Bakit? Inaano ka ba ng mukha ko?"

"I-it's j-just... Nevermind"

"Alam ko na! Let's go!" masayang sabi niya saka niya ako hinila palabas ng cafe. Nauuna siyang naglakad sakin habang hawak niya ang kanang kamay ko at kinakaladkad ako. 

The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon