TBBMTTM 76 ☆

3.3K 89 18
                                    



Lance Randall Schwarz


Pagkatapos ng shoot nila agad kong hinila si Roxie sa apat.


"What the--"


"We need to talk" seryoso kong sabi sa kanya.


Tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa.


"Wala akong sasabihin sayo" sabi niya at pilit na inaagaw ang braso niya.


"Pwes ako meron"


Pinagtinginan naman kami nina August.


"What?" tanong naman niya sakanila. 


Nanahimik naman sila pero pinagpatuloy nila ang paguusap kaya hinila ko siya pabalik.


"Ano ba?!" inis niyang bulong.


"Kailangan nating magusap and I will not stop until I don't get what I want" matigas kong sagot sa kanya.


"You're being childish" she scoffed.


"So be it but I'm dead serious" tinignan niya ulit ako mula ulo hanggang paa na parang di makapaniwala sa narinig niya. Kaya hinila ko siya palapit sakin para makita niya ng malapitan ang pagkaseryoso ko.


"Fine" sabay buntong hininga niya saka pilit na tinatanggal ang kamay ko.


"Let's go" 


"Can I just change first!?" inis niyang sabi saka hinila ang kamay niya kaya nabitawan ko ito. Pumasok na siya ng dressing room at padabog na sinara ang pinto.


Pinagtinginan naman ako nina Karl at ibang staff. Nagkibit balikat na lang ako saka umupo sa may couch habang hinihintay siyang makalabas. Nauna siyang lumabas kina Sophia at umupo sa tabi ko.


"So what do you want?" walang gana niya tanong saka pinapay ang sarili.


"Dito talaga tayo maguusap?"


"Bakit? Masyado bang sikreto yang itatanong mo para pumunta pa tayo sa ibang lugar?" at tumawa siya ng mahina.


"Oo pano kung itatanong ko kung anong kulay ng underwear na suot mo ngayon masasabi mo ba dito?" napatingin naman siya sakin. I'm being sarcastic here not a pervert.


"As if naman sasagutin ko ang tanong na yan" sabay tawa niya na ikinatingin ulit nina Karl. Kasama na din nila sina Sophia na kalalabas lang ng dressing room.

The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon