TBBMTTM 19 ☆

7.1K 232 1
                                    


Karl Andrei Hoffman


Can someone kill me right now?


"Seriously? Papasok kayo sa school with that get up?" tanong naman ni Beatrice habang halata namang nagpipigil ng tawa.

Bigla naman akong napapikit dahil sa lakas ng flash ng cellphone ni Scarlett.

"For keeps!" sabay smirk niya samen.

I think alam niyo na din kung ano ang mga itsura namen. Para kaming mga drag queen na tinubuan ng maayos na mukha. Si Blaine naman ayun tawa ng tawa habang nakahawak pa sa tiyan niya. Si Lance naman halatang nagpipigil ng tawa.

Ewan ko ba nawawala yung natural na postura ko kapag kasama namin tong mga to. Pero syempre di ko pa rin nakakalimutan ang pinunta namin dito. Wala naman akong napansing kakaiba sa kwarto ni Sophia kanina. Typical girl's walking closet. Bedroom. CR. Lahat normal lang wala namang kakaiba.

"Seriously?! PAPASOK KAMI SA SCHOOL NG GANITO?"shock na tanong ni Ash kay Sophia.

"WHAT?!"

"Wait wait guys who said you're going to school?" takang tanong niya samen.

Nagkibit balikat na lang ako at tinignan si Ash na nakatingin sakin.

"Well maganda din ang idea niyong yun. Right bestie?"

No no no no no

"You're right bestie" masayang sabi ni Sophia.

"I think you're being too much girls" seryosong sabi ni Lance.

"Bakit gusto mong sumunod Randall?" tanong ni Roxie na ikinagulat niya.

Randall? Sa pagkakaalam ko wala pang tumatawag sa kanya ng ganun. Even his parents calls him Lance. Weird.

"Anyways, we're going to my mom's tea party. I need some companions dahil may kanya kanya ding lakad ang mga girls well except for bestie" explain niya samin.

Pero first time ko ata siyang nagtagalog kahit konting segundo lang.

"Let's go" masayang sabi niya at umakbay palabas kasama si Beatrice.

"Wait"

Bakit pa kasi naimbento pa tong mga heels nato. Humawak na lang ako sa hawakan dito sa may hagdan para makababa lang ng maayos. Ganun din ang ginawa ni Ash. Tinulungan na din kami ni Lance na malalim ang iniisip at Blaine na tawa ng tawa.

Sumakay na kami sa kotse. Sa back seat kame umupo ni Ash habang si Beatrice naman ang nagdadrive. Okay lang naman sila magpatakbo ng kotse di mabagal pero di rin ganun kabilis. Pagkalipas ng ilang minuto tumigil kami sa isang maliit na cafe. Sabay ng lumabas ang dalawang magbestie at kahit papano naman tinulungan nila kaming bumaba at maglakad.

"Grabe Beatrice gumaganda ka ah"

"Ikaw naman tita mana mana lang yan" sabay tawa niya.

"Sus oo na lang. Hello baby"

"Hi mom"

At nagyakapan silang magina. Di naman ganun ka tanda ang itsura ng nanay ni Sophia. Sa aura palang nito halata namang masayahin siyang tao. At di rin mapagkakaila ang pagkakahawig nila.

The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon