Tahimik at ligtas na nakapasok sa likod ang apat. Nangunguna si Kris habang hawak ang baril at maingat na tinitignan ang buong paligid.
"Tangina pre malaking gulo mangyayari mamaya"
"Panigurado kaso parang grabe naman ata yung ngayon"
"Wala naman tayong magagawa utos ni boss"
"Boss?" mahinang tanong ni Beatrice kay Kris.
Nagkibit balikat lang ang binata saka na tahimik na lumapit sa dalawang lalaking naguusap at mabilisang pinatumba ang mga ito gamit ang handle ng baril na hawak niya.
"Buti na lang maingay sa labas kung hindi maririnig nila kami " sabi ni Kris sa isip niya.
Umabot sila sa isang pasilyo na naghahati sa dalawa nagpasya silang ihati ang grupo. Magkasama ang dalawang magbestie habang kasama naman ni Kris si Scarlett. Maingat silang naglakad sa kani kanilang pasilyo.
"May nararamdaman akong nakatingin sa atin" bulong ni Scarlett kay Kris.
Pasimpleng tumingin si Kris sa likuran nila pero wala siyang nakitang tao kaya tumingin siya sa buong paligid. At napansin niya ang isang cctv camera kaya nilagay niya agad ang isang silencer sa kanyang baril at binaril ito. Napairap naman si Scarlett sa ginawa ng binata.
"That should do it" sabi niya saka na nila tinuloy ang paghahanap.
Sa kabilang banda naman agad sinalubong ng apat na lalake ang dalawang magbestie.
"Tsk! We should have taken the other path" sabay pana ni Beatrice sa isang lalake.
"Buti pa sila may baril you know!" sabay gamit niya ng pepper spray sa isang lalake at agad sinapa ang kasama nito.
"So you want one?" at pinatumba ang isa pang lalake.
"Hindi naman sa ganun bestie pero ang unfair kaya" sabay sipa niya sa lalakeng inanohan niya ng pepper spray.
Kinuha lahat ng dalawang magbestie ang mga armas ng mga lalake.
"Good thing di nila ginamit satin to" di makapaniwalang sabi ni Sophia habang hawak ang isang taser gun at tinutok ito kay Beatrice. Agad naman napataas ang kamay niya dahil sa bigla.
"Woah bestie careful with that" sabi niya na maingat namang binaba ni Sophia ang hawak niya at binulsa ito. "Here you can have this" sabi niya at inabot ang isang baril.
"Seriously bestie?! Wag mong sabihing dead na yung mga pinana mo?"
BINABASA MO ANG
The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]
Teen FictionWhat if the bad boys met their match? What if the troublemakers met their match? What will happen if their worlds clash? Highest Rank: #14 in Teen Fiction