TBBMTTM 79 ☆

3.2K 86 15
                                    



Ashton Haley Johansson


Andadaya naman nung mga yun! May kanya kanya pang mga date ang mga bwisit. Pero syempre papahuli pa ba ako? Sus don't under estimate my critical thinking.


Ako ang na nagdrive para ihatid sila dito sa bahay nila. 


"Beatrice" tawag ko sakanya habang nandito kami sa kusina nila.


"What?"


"Pwede bang humiram ng kotse?"


"Ayoko" matigas niya sagot. "Pero kung gusto mo pantatawag kita ng taxi" suggestion niya sabay ngiti ng nakakaloko. Agad kong kinapa ang bulsa ko and thank God dala ko ang wallet ko.


"Sige ba" panghahamon ko.


"Seryoso?" bigla niyang tanong sakin. "Wait... Ano nanaman ba ang binabalak mo ha?" Think Ashton the great handsome man on earth.


"Kase may nakalimutan lang ako dun sa studio" pagdadahilan ko.


"Edi yung van dalhin mo"


"Masyado kaseng malaki e" palusot ko.


"Arte naman neto. Osya tatawag nako ng taxi" saka na siya may tinawag sa telepono nila. "Isang taxi. Okay thank you" saka na niya ito binaba. Mukhang lagi sila nagtataxi at pati company number ata ng taxi e alam niya. "Hintay ka na lang ng 5 minutes darating na dito yun" paliwanag niya sakin.


Tumango lang ako. Ngayon pala ko ba dadalhin niyan si Peklat papunta sa taxi? Sumilip ako sa may sala at nakitang nanonood siya ng Ben10 kasama si Blaine. Which is I find really odd.


Bumalik ang tingin ko kay Beatrice na naglalaptop sa may counter. Tumayo siya bigla at inalis ang plastic mula sa bin. Mukhang maglalabas siya ng basura. Ding! I now have a plan.


"Iwan mo na lang diyan isasabay ko na lang mamayang lalabas ako" 


Tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa. 


"O...kay?" sagot niya saka ako tinignan ng puno ng pagtataka at nilapag ang plastic sa may sulok at bumalik sa pwesto niya at nagpatuloy na naglaptop. 


Teka bat sa lahat ata ng senaryo lagi siyang naglalaptop pansin ko lang. Ano bang meron sa lap top niya? Kaya tumayo ako saka lumapit sa kanya. Napatingin naman siya sakin at tumigil sa pagtatype.


Sabi ko nga aalis ako e sakto namang may narinig akong bumusina na sasakyan. Mukhang nandito na yung taxi. Iniwan ko na siya sa kusina habang bitbit ang plastic bag na puno ng basura. Lumapit ako sa nanood na mga isip bata at kinalabit si Peklat.

The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon