TBBMTTM 87 ☆

2.7K 70 9
                                    



Roxie Chantelle Lambert


Minulat ko ang mata ko nang medyo naramdaman kong tulog na siya. Sinilip ko rin siya para sigurado kaya maingat kong tinaas ang kamay ni Sophia saka agad ko itong pinalitan ng unan ko. 


Kinuha ko ang phone ko sa bag at dahan dahan kong binuksan ang pinto saka lumabas. Pumunta ako sa may terrace at tinignan ko ang phone ko. 


161 missed calls and 258 messages all from Kris. Mukhang masipag mangulit ang batang to. Kaya agad ko na siyang tinawagan pero di niya sinasagot. 


Ah di pa ba tapos yung meeting nila? Edi mas maganda para naman malaman ko ang mga nangyayari. Tinawagan ko ang secretary niya.


'Hello ma'am?'


Buti na lang sumagot siya.


"Where's Kris?"


'Nasa meeting po ma'am'


"Then where are you?"


'Nandito lang po sa may pinto ng conference room'


"Sige pumasok ka lang but don't end the call I want to hear everything. Use your wireless earbud"


'Yes ma'am' saka ko narinig ang pagbukas ng pinto at ang taong nagsasalita. Si Kris to kaya pala di niya sinasagot ang tawag ko mukhang busy siya sa dinidiscuss niyang project.


Nakikinig lang ako nang makarinig ako ng tunog mula sa loob kaya pumasok ako habang nakalagay pa rin ang phone ko sa may tenga ko at nakikinig sa meeting. Di ako lumikha ng ingay at dahan dahang kumuha ng kitchen knife saka inobserbahan ang buong paligid.


Nabigla ako nang biglang bumukas ang banyo at lumabas si Karl. Agad kong tinago ang kutsilyong bitbit ko saka nagbuntong hininga.


"Roxie? Anong ginagawa mo sa ganitong oras?" tanong niya.


Tinuro ko ang phone ko kaya nakita niya ang bitbit kong kutsilyo. Agad siyang tumingin sakin na parang inoobserbahan ako.


"Magluluto ako"


Tumango lang siya saka na siya pumasok ng kwarto. 


'Po?' tanong naman ng kausap ko sa phone.


"Don't mind that"


Kaya bumalik ako sa terrace at pinakinggan ang buong meeting. Hay ano ba yan nakakaantok kaya maganda na talagang di ako pumunta kung hindi baka pinagsisipa nako ni mama sa ilalim ng mesa para magising lang ako. I really hate long and boring discussions mas maganda na direct to the point right?

The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon