TBBMTTM 99 ☆

2.6K 50 27
                                    


Lance Randall Schwarz


I feel frustrated to myself for failing to save her again. I just know that Goddess and Roxie are only one person. I feel it. Even if she or others won't tell me. 


The screen suddenly flashes a map with a moving red dot. 


"Woah!!" manghang reaksyon ni Ash at Blaine.


Biglang nagring ang phone ni Ash kaya sinagot niya ito at niloudspeaker.


"Just follow the red dot" maikling sabi ni Beatrice sa kabilang linya.  


"Okay" I answered and stepped on the gas. I casually look at the map while focusing myself on driving. 


Nagawa ko rin lampasan sina Scarlett kaya halos magkasabay na kami ni Kris sa daan. Habang palayo ng palayo ang nadadaanan namin unti unti nagiging pamilyar ang lugar na nalalampasan namin.


Is it really fate? Bakit sa lugar na yun tumigil ang sasakyan? Kaya binilisan ko pa ang takbo ko papunta sa lugar na yun.




-----




Nagpark kami di kalayuan kung saan natagpuan ang sasakyan na dumukut kay Roxie. Binigyan kami ng ilang taser ng dalawang magbestie na galing nila sa warehouse. Nahati ulit kami sa dalawang grupo para ikorner ang lahat ng sangkot.


Kasama ko ngayon sina Kris, Sophia at Karl. Maingat kaming pumasok sa mala gubat na lugar. Maririnig lang ang mga yapag ng paa namin na sumisira sa mga tuyong dahong nakakalat sa buong paligid.


Naglakad lang kami hanggang sa nakita na namin ang isang grupo na nakapulong sa may bangin. Napansin ko ring nasa kabilang bahagi naman sina Ash kasama sina Scarlett. Nakita kong tumango si Beatrice at sabay na may hinagis ang dalawang magbestie. Halos mabulag ako sa liwanag na galing sa mga binato nila. Flashbombs?


Maririnig ang ilang ungol at putok ng baril na di ko alam kung galing ba sa mga kasamahan ko o sa kalaban namin.


Makalipas ang ilang minuto bumalik na rin sa dati ang lahat. Agad pinuntahan ni Blaine si Beatrice natamaan ng bala sa may kanang balikat nito. Habang nadaplisan naman sa mukha sina Ash at Kris. Nabitawan ko ang hawak kong taser gun dahil sa nakita ko.


"Omayghad Roxie!!"


"Pakawalan mo siya!" sigaw ni Kris habang nakatutok sa taong may hawak ngayon kay Roxie.


"Ibaba mo yang baril mo kung ayaw mong bumukas ang leeg neto!" Banta niya pero nanlaki ang mata niya nang makita ako.

The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon