TBBMTTM 52 ☆

4.6K 129 0
                                    


Blaine Ramstein Evans


Pagpark namin sa cafe nakita na namin si Roxie na kausap si tita habang si Lance naman nakaupo na dun sa may sulok kung saan malaki ang table. Dumeretso na kami doon at umupo. Dumating na rin sina Ash kasama si Scarlett na hanggang ngayon nakasimangot.

Mukhang seryoso yung pinaguusapan nila doon ah. Kase hindi na si tita yung nagserve kundi yung isa niyang employee. Tsaka di na niya kami nabati kaninang pagkapasok namin. Kahit nga si Sophia dito na dumeretso.

Pagkailan ng ilang minuto dumating na din si Roxie kasama si tita na ngayon nakangiti na samin.

"Kain lang kayo ha? Chaka sabihin niyo din kung anong kailangan niyo. Maiwan ko muna kayo" sabi niya samin at iniwan niya kami at inentertain yung iba niyang costumer.

Pagkaupo ni Roxie nagsimula na kaming kumain. Ang nakahain ngayon e carbonara, black forest cake at di ko alam kung anong tawag pero mukhang finger food lang kase maliliit. Baka ito yung sinasabi ni Sophia na bagong gawa ni tita?

Kumuha ako ng isang pirasa at tinikman. Ang sarap! Ang cruchy kase kapag kinagat pero yung sa loob niya malambot. May palaman ito. Cream cheese? Kumuha ulit ako ng isa pa. Chocolate naman to. Kumuha ulit ako. Matcha? Wow. Kahit ano atang ilutong dessert ni tita e masarap.

"Woy Blaine wag mo ngang ubusin!"

"Yan nga pala yung sinasabi ni mommy. Kaso wala pa daw siyang maisip na name kaya di pa niya nilalagay sa menu here in the cafe" sakto namang dumating si tita.

"Tita ang sarap! Ang galing niyo talaga!" sabay thumbs up ko pa sa kanya. Tumawa naman siya.

"Actually tinulungan ako ni Roxie for this dessert"

Tumingin naman kaming lahat kay Roxie na nagiwas tingin samin habang kumakain ng carbonara.

"Can you guys think of a name for me?" masayang sabi niya.

"Bat di na lang Roxie?" pagbibiro ko na ikinasama ng tingin niya sakin. Tumawa naman sila sa naging reaksiyon niya.

"Waaaahhhh strawberry" biglang sabi ni Sophia habang kumakain. May strawberry din?! Grabe ilang flavors ba to?

"Surprise..." bulong naman ni Beatrice. Surprise? Pwede rin.

"Ang plain naman" komento naman ni Ash. Tumango naman sila bilang pagsangayon. Surprise...

"Surprise bites?" suggest ko. Kapag kase kinagat mo dun mo pa lang malalamang kung ano yung flavor e. Chaka di ko alam kung ilan talaga ang flavors nila.

"Pweeedeee" sabi naman ni Beatrice. Tumango naman si tita.

"Galing!" sabay palakpak pa ni Sophia.

"Maliit na bagay" sabi ko at kumuha ulit ng surprise bites. Sarap! Nagtatawanan kami nang biglang tumayo si Roxie habang nakatapat ang phone niya sa tenga niya. Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng cafe. Nagtinginan lang kami at yung mga girls naman nagkibit balikat lang at tinuloy ang pagkain nila. Nagpaalam naman si tita at bumalik na siya sa may counter.





-----





Hinatid muna namin sila saka na kami umuwi. Umupo muna ako sa couch dito sa sala at i-on ang tv. Naalala ko yung mga naging tawanan namin kanina. Mukhang di naman pala sila masamang kasama e. Chaka okay lang din naman yung mga trip nila.

The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon