Karl Andrei HoffmanTsk! Bat ayaw magaccess nito? Meron kasing nagemail samin na galing sa underground, kaya lang hindi ko talaga matrace kung saang location sinend ang mismong email. Okay lang sana kung simpleng laban lang ang gusto niya kaya lang iba ang nakalagay sa email, puro informations namin in reality. Not just our codenames but also our real names. If I am not mistaken na explain na sainyo ni Ash ang lahat. Mahirap kapag kumalat ang ganitong information lalo na dito sa school. Baka madamay pa to dahil sa gulo namin sa underground. Siguradong maraming casualties ang lilitaw ng dahil samin.
I'm Karl Andrei Hoffman. Ako ang incharge sa lahat ng documents and informations namin. Kaya mahirap ang situation ko ngayon. Kailangan ko talagang matrace kung saan galing ang email nato para kausapin siya o patahimikin siya.
"Ano ba yang hinahanap mo Karl? Kanina ka pa nagtatype dyan ah?"
"Oo nga! Di ka na nga nakakain ng lunch dahil dyang sa laptop mo. Pati ba naman dito sa room?" sabay kamot pa ni Ash sa ulo niya.
Oo nga pala nakalimutan ko ng kumain dahil sa anonymous na email na to. Sinara ko muna ang laptop ko sabay pikit ng mata ko.
"Okay ka lang?" tanong sakin ni Blaine habang nakatingin sakin na para bang inoobserbahan ako
"Oo okay lang ako"
Kahit anong gawin kong pagaccess dun sa location wala talaga. Kung iisipin mo, exactly 11:11pm ko nareceive ang email pero ngayon ko lang siya naaccess kase nagrequire siya password which is weird. Buti na lang may iniwan siyang mga clue kaya nakuha ko yung passcode. Kaya ganun na lang ang gulat ko nung biglang naglabasan ang mga informations namin.
Diko naman pwedeng hindi na lang to pansinin. Sakto naman ang balik ni Lance sa room. Kahit sa caf kanina di rin siya pumunta. Baka natulog nanaman sa music room. Itutuloy ko na nga lang paghahanap dun sa location para naman within the day e mapuntahan na namin. Malas na lang namen kung moving ang target. Hay.
Karaan ng ilang oras ay may nareceive na naman akong email. Galing ng underground. Baka may connection to sa email na yun? Iniscan ko muna bago ko binuksan aba mahirap na baka may firmware or unwated software.
'******* bar. 7am.'
Yan lang ang nakasulat. Tinry kong inaccess ang location at natrace kong nasa labas lang siya ng university. Baka may connection ito dun sa email. Agad kong sinara ang laptop ko at tumayo.
"Mr. Hoffman! Please be seated! MR HOFFMAN!"
Di ko na pinansin ang prof at kumaripas nako ng takbo palabas ng university. Sa pagkakatanda ko nasa may side lang siya sa may poste. Dumeretso ako dun pero wala akong nakita. Chineck ko din ang malalapit na kanto pero ni anino ng tao wala.
"Damn!"
Bwisit! Naisahan nanaman ako! Ugh!
Wait! May cctv sa lugar nato! Bat ko nga ba nakalimutan yun? Kaya agad akong bumalik ng room para matignan ang footage sa laptop ko. Pagbalik ko kumakatak pa din ang prof.
"MR HOFFMAN! YOU NEED TO LEARN ABOUT MANNERS! LEAVING THE ROOM AND COMING BACK JUST LIKE THAT?! TAKE NOTE WITHOUT ANY ASKING PERMISSION!!"
Tiningnan ko siya ng masama ng tumahimik na siya sa kakadada niya. Nakakaistorbo kaya siya sa ginagawa ko. Tumahimik naman siya pati ang buong klase. Good.
Binalik ko naman ulit ang konsentrasyon ko sa laptop para ihack ang security system ng school. agad ko na lang kinuha ang footage na kailangan ko baka maidentify pako. Kinuha ko ang footage ng mismong araw nato pati na rin these past few days na bakasyon. Mas maganda ng makasigurado.
Habang isa isa kong pinanuod ang mga footage wala akong nakuha ni isang ebidensya. Pano ako makakakuha e biglang nagblack out ang screen ng latop ko. Tangina wrong timing na lowbat pa ko. Argh!
Lance Randall Schwarz
Ewan ko ba bat ganun na lang itsura ni Karl. Halatang iritadong iritado sa buhay niya. Pabagsak pa nga niyang sinara yung laptop niya e. Kala ko itatapon na niya sa window sa sobrang inis. Di ko naman siya pipigilan e marami naman siyang pambili ng laptop.
Lance Randall Schwarz. Alam kong limited lang talaga ako magsalita in person pero sa mind? Don't know.
Nabigla nga ako sa ginawa ni Karl kanina. Biglang lumabas kaya tinignan ko siya sa may window. malapit lang kase upuan ko. Parang may hinahanap siya tapos bumalik ulit. Nakita kong nawala ang natural na composure niya halatang balisa siya kanina pero ngayon bumalik na sa dati.
"Problem?" tanong ko sa kanya.
"Wala"
Mukhang hindi naman wala. Hay bahala na nga siya. Tinuon ko na lang ang pansin ko sa bintana habang naghihintay oras. Prof? Bahala silang dumada dyan.
"Okay class dismissed"
Hay buti naman uwian na. Gusto ko ng humiga sa kama at matulog. Paglabas namin sa room ayun nakaabang nanaman ang mga slut di ko na lang pinansin at dumeretso na ko ng parking lot. Agad ko ng pinaandar in full speed papunta ng bahay. Nakita ko naman sa side mirror ko na nasa likod ko lang ang tatlo. Si Blaine at si Ash naka motor habang kami ni Karl nakakotse. Kanya kanya kami ng sasakyan. Wala pa ngang ibang nakakasakay sa kotse ko tapos sila sasakay ng basta basta. Di school bus ang kotse ko.
Nakatira kami sa iisang bahay para masaya daw sabi ni Ash at ni Blaine. Ewan ko sa dalawang mokong na yun kung ano ano na lang naiisip nilang kalokohan. At ewan ko din kung pano ko sila naging kabarkada.
Pagdating ko sa bahay agad na kong umakyat papunta sa kwarto ko. Agad akong naligo at nagbihis para mapreskuhan ako. Bumaba muna ako ng kusina para kumuha ng maiinom. Naabutan ko doon si Karl na naglalaptop pa din.
"Any news?" baka ayaw niya lang kase sabihin sa school kaya ngayon ko na lang tatanungin.
Agad niyang pinakita sakin ang email na galing ng underground
'******* bar. 7am.'
"Sender?"
"Unknown"
What? Kung laban ang gusto nun siguro magiiwan siya ng pangalan ng grupo nila. Sakto naman ang pagdating ng dalawa
"Get ready" sabay labas ko ng rootbeer at binuksan ito.
"Wait. Di tayo sigurado dito Lance" seryosong babala ni Karl.
"Anong meron?" takang tanong ni Blaine
"Then we better check it ourselves" sabay inom ko ng softdrinks
"Huh?!" sabay sabay nilang sambit.
===============================
Hi! Kung may typos man sa susunod ko na ieedit hahaha pinipilit ko kase talaga matapos lahat ng mga nakatenggang chapters. Kaya comment na lang kayo kung saan ang typos para maayos ko kaagad. At dahil natapos ko naman before sat tong chapter kaya ipapublish ko na. Bonus na lang to sainyo hahahaha.
Pero magaupdate pa din ako bukas kaya abangan niyo na lang hahaha
『laiterangdyosa』
BINABASA MO ANG
The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]
Fiksi RemajaWhat if the bad boys met their match? What if the troublemakers met their match? What will happen if their worlds clash? Highest Rank: #14 in Teen Fiction