Sophia Katelyn Olsen
Huhuhuhuhu kaya ba di ka nagpromise sakin? So daya talaga! Kapag ikaw iniwan mo ko kami hahuntingin kita tandaan mo yan!
Nasa loob kami ngayon ng ambulansya ni bestie kasama si Roxie habang hawak namin ang kamay niya. Nakasunod naman sina Karl samin na nakakotse.
Bigla namang bumilis ang pagbeep ng isang machine.
"We're losing her. BILISAN MO!" utos naman ng kasama naming doktor.
"ROXIE NO!!!"
"Roxie malapit na tayo okay?! Please stay strong for us!"
At di nanaman namin napigilan ang mapaiyak nanaman dahil sa sitwasyon. Nakakaasar ka Roxie! Ni nanay ko nga di ako pinaiyak tapos ikaw?! huhuhuhu May sapok ka sakin!
Pagdating namin sa ospital agad na kaming bumaba at sumunod sa emergency room. Mas marami silang nilagay na aparato sa kanya. Pinaupo muna kami ng nurse sa may waiting area na di naman kalayuan kay Roxie at kasalukuyang nililinis ang mga sugat namin. Si bestie naman nauna na nagpa x-ray.
"May masakit po tayo sa katawan?"
"No I'm okay"
"But we still need you ma'am for x-ray and CT scan para macheck po if you're really okay"
Tumango na lang ako habang pinapanood ang ginagawa ng mga doktor sa kanya.
"Sophia sure kang walang masakit sayo?" tanong sakin ni Karl.
"Yeah" mahina kong sagot. Ramdam ko pa rin nanginginig ang mga kamay ko at bumabalik sakin ang mga nangyari.
"Calm down everything going to be alright" kalmado niyang sabi sakin at hinawakan ang mga kamay ko. It's so warm.
Napatayo kami nang biglang malingawngaw ang tunog na ayokong marinig. Agad nagpuntahan ang mga nurse at inasikaso si Roxie.
Pinunit nila ang pantaas ni Roxie at meron silang nilagay na gel sa may dibdib niya saka may tinapat na dalawang defibrillation paddles.
"Set it up to 200! CLEAR!"
"ROXIE!!" sigaw ko at biglang nanlambot ang mga paa ko buti na lang nasalo ako ni Karl.
"300! CLEAR!!"
Bumalik ang dating tunog ng device kaya kumilos na ang mga doktor para linisin ang mga sugat niya. Lumapit ang isa namang doktor samin.
BINABASA MO ANG
The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]
Teen FictionWhat if the bad boys met their match? What if the troublemakers met their match? What will happen if their worlds clash? Highest Rank: #14 in Teen Fiction