Karl Andrei Hoffman
Hingal na hingal kaming pumunta ng back stage katapos ng performance.
"Congrats!" salubong ni August samin.
"Cr" paalam naman nung dalawang magbestie at mabilis na umalis.
Dumating naman sina Ash na ang sasama ng tingin. Napano tong mga to?
"Bat ganyan pagmumukha niyo? Para kayong mga gangster" bulyaw ni Scarlett na ikinabigla ko.
Nilapitan agad ni Lance si Roxie na kausap ang kapartner niya kanina sa sayaw. Si Ash naman agad inakbayan si Scarlett na ikinainis niya.
"Tanggalin mo nga kamay mo Abo baka kala pa nila ano kita" inis na sabi niya.
"Bakit? Ako lang naman boyfriend mo!" sigaw ni Ash na ikinatigil ng lahat. Nakita ko namang may binulong si Roxie kay Lance saka siya umalis. Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya siya ngumiti sakin.
Ngumiti?
"Karl! Di mo nakita yung dalawa?" tanong ni Blaine sakin.
"Nagcr lang daw" sabi ko saka tinignan kung saan nakatayo kanina si Roxie at nakitang kasama na niya si Scarlett saka sila tumakbo kung saan.
Tumakbo? Parang may mali. Agad akong tumakbo papuntang cr.
"Sophia!" sigaw ko sa may pinto ng cr. "Sophia!" tawag ko ulit pero walang sumasagot kaya deretso nakong pumasok ng cr ng pangbabae saka tinignan ang mga cubicle pero walang tao.
Kumaripas agad ako ng takbo palabas para hanapin sila. Nasabihan ko na rin sina Blaine at Ash para tumulong sa paghahanap. Si Lance naman di ko din siya mahanap. Naghanap na rin ako sa dressing room pero wala akong nakita. Tumakbo ako hanggang sa makarating ako ng parking lot.
"SOPHIA!" sigaw ko.
Umalingawngaw ang alarm ng isang sasakyan kaya agad akong tumakbo papunta kung saan nanggagaling ang ingay. Nakitang kong bitbit ng isang lalake si Roxie na ngayon ay hirap na hirap dahil pilit siyang nagpupumiglas sa lalakeng may hawak sa kanya. Mukhang nasipa ni Roxie ang kotse katabi ng van kung saan siya pilit na pinapasok kaya ito tumunog.
Agad akong tumakbo papunta sa kanya para mailigtas siya ng nakita ako ng isa sa mga kasamahan niya tinutok kay Roxie ang baril na hawak niya.
"Wag kang lalapit! Babarilin ko to!" babala ng lalaki kaya tumigil ako sa paglapit. Napatingin naman si Roxie saakin at umiling. "Ikaw! Kung ayaw mong may mangyaring masama sa mga kasama mo pumasok ka sa loob kasama ng mga kaibigan mo!"
BINABASA MO ANG
The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]
Roman pour AdolescentsWhat if the bad boys met their match? What if the troublemakers met their match? What will happen if their worlds clash? Highest Rank: #14 in Teen Fiction