'Kyaaaaahhhhh!!''Andyan na sila!'
'They are here! The badboys!'
'Omygee! ang gwapo talaga ni Ashton kahit kailan'
'Ang cold pa din ni Lance pero ang gwapo pa din'
'Tingnan mo si Blaine ang cheerful niyang tignan'
'Mas gwapo kaya si Karl which is the serious type'
'Hindi kaya. Si Ashton ang pinaka gwapo'
'Mas lalong hindi! Si Blaine kaya hmp!'
'That's a big NO! Lance is much more hansome!'
Kanya kanyang grupo ng mga babae ang nagaaway sa hallway dahil sa pagdating ng apat na kalalakihan. They are known as "The Badboys of Le Rosey University". Kung gaano sila sambahin ng mga kababaihan siya naman ang pagsumpa sa kanila ng ibang kalalakihan. Pero wala naman ang may lakas ng loob na harapin sila head on. Parang hiniling mo na rin na umalis sa mundong ibabaw. They are beast in beautiful forms ikanga nila.
Di rin mapagkakaila na hindi lang sila gwapo, mayayaman din. Kaya ganun na lang sila dikitan ng mga sipsip at mga haliparot.
"Good moning Ashton!" bati sabay yuko ng isang grupo ng mga babae
"Good morning" bati niya pabalik sabay ngiti nito.
Mas lalong nagkagulo ang mga kababaihan sa kilig. May dalawa pa ngang nahimatay. Natigil ang gulo ng pumasok na ang mga ito sa room.
Blaine Ramstein Evans
Hay araw araw na lang laging ganito. Buti na lang sanay na eardrums ko sa mga tili nila. At buti na lang nakaupo na rin ako. Ang layo kaya ng room namin kaya dadaan talaga kami sa mahabang hallway.
Kase last year halos sa second floor tapos tabi lang ng hagdan tapos malapit pa sa backdoor ng school kaya konti na lang lalakarin. Pero ngayon parang ayoko ko na pumasok sa sobrang layo ng nilalakad. Buti na lang may bagong update ang Ben10 ngayon, habang nagloloading pa.
Ako nga pala si Blaine Ramstein Evans. Nice to meet you. Sana mahilig ka rin manuod ng Ben 10 para maging close tayo. Siguro medyo naguguluhan pa kayo kaya idedescribe ko na ang sarili ko.
Tawagin niyo na lang akong Blaine. Secret na lang ang age and birthday ko pati na rin ang year level ko para masaya hahahaha. Isa ako sa mga sinasabi nilang "Badboys" pero di ako bad. Ang bait ko kaya. Ano bang masama sa panonood ng Ben10 sige nga?
"Mister Evans! Put that gadget away and focus on the discussion!" sigaw ng mataray na matanda sa harapan. Di ko nga kilala e. Mukang bago ata. My bad.
"Ikaw Mr. Schwarz! WHERE DO YOU THINK YOU'RE GOING?"
"Outside" cold na sagot niya.
"Get back on your seat this instant!"
Dina lang sumagot si Lance at tuluyan na siyang lumabas ng room. Kaya ayun nagtantrums si tanda. Hay naku di pa sila nasanay samin? Yay! Tapos na rin magloading ang Ben10 hahaha Osya manunuod muna ako. bye bye!
Ashton Haley Johansson
Hello sainyo! especially sa mga girls. Ako nga pala si Ashton Haley Johansson, at your service. Just call me Ashton. Ash naman tawag sakin ng barkada. Nandito pa rin kami sa room habang nagwawala ang prof namin. Ako na mageexplain sainyo kung ano ba talaga ang nangyayari kase alam ko walang kwentang magkwento ang isa dyan.
Sisimulan ko saming apat. Tipikal na magbabarkada. Sikat, mayayaman at syempre gwapo. Pero mas gwapo ako sa kanilang tatlo. Tinatanong pa ba yun?
Pero syempre di lang kami ordinaryong magbabarkada lang. Alam nniyo naman na minsan nakakabored din tuwing gabi. Hindi naman puro bar lang kame syempre dapat may thrill din.
Dito sa university, kilala kami bilang "Badboys" pero sa gabi kilala kami bilang "The bEAST". Syempre kung gaano kami kasikat dito ganun din ang kasikat namin sa underground. Teritoryo namin to kya wala masyadong gulo dito. Takot na lang nila maospital. At syempre may mga codenames din kami aba mahirap na. "Wolf" and codename ko wag niyong pagsabi ha? Ako na din magsasabi nung sa iba kase alam ko naman gwapo ako kaya ako na magsasabi. Alam kong kilala niyo na si Blaine, "Eagle" naman ang sakanya. "Lion" ang kay Karl at "Crow" naman ang kay Lance. Medyo di niyo pa kilala ang dalawa kaya mag take note na lang kayo. Okay?
"Ashton sayo na lang tong lunch ko. Niluto ko yan" sabay bigay sakin ng tupperware ng isang babae. Tapos na pala ang klase namin kase wala na yung prof namin.
"Talaga? Ayoko namang magutom ka."
"HINDI! OKAY LANG AKO! PROMISE!"
"Sige thank you" sabay kindat ko sakanya.
'Kyaaaaaahhhhhhh!!!!'
"Ash tara na! Punta na tayo sa caf" yaya sakin ni Blaine.
Kaya tumayo nako at iniwan ang mga kaklase kong babae na kilig na kilig. Sabay sabay kaming pumasok ng caf pero wala pa din si Lance. Kaya kami lang tatlo ngayon dito sa table namin.
"Buti pa si Ash may lunch na" sabay pout naman ni Blaine.
"Di ka pa ba natrauma nung binigyan ng lunch yang si Blaine" seryosong tanong ni Karl.
"Grabe ka naman Karl. Ayoko namang masayang ang effort ng nagluto nito" Sayang talaga. Nipangalan nga nung babae diko alam e.
"Bahala ka buhay mo" at ayun naglaptop ulit si mommy Karl. Wag niyo kong isusumbong ha? hahahaha
Last year kase. Di lang ako ang binibigyan ng lunch. Kaming dalawa ni Blaine kaya lang may nakain siya nun na allergic sa kanya kaya tatlong araw din siyang naospital nun. Kaya simula nun di na siya binibigyan ng lunch dahil na rin nun sa takot nila kay Karl. Galit na galit nun si Karl dun sa babae, nakakatakot nga e. Ilang buwan ding binully yung babae tapos na nagtransfer na lang sa ibang school.
Iba talaga kapag si Karl magalit pareho sila ni Lance di marunong ngumiti. Ngumingiti naman pero once in a blue moon nga lang. Kaya mas gwapo talaga ako. Kain muna ako hahaha see you when I see you.
===============================
Yay! Natapos ko din ang chapter 1. Abangan niyo na lang ang next chapie. Still trying na bago matapos ang month e maeedit ko na lahat ng chapters. Thank you sa mga sumuporta pa din sa story. Balak ko na sanang burahin to kaya lang nanghihinayang ako. Thank you sa mga nagtiyagang maghintay ng sobrang tagaaaaaaalll. Love you guys! Siguro sa saturday or sunday na ang next chapie. Kaya abangan niyo na lang.
I think napansin niyo na nagbago na mga names ng mga characters even the characters, pero don't worry ganun pa din ang flow ng story kaya no worries guys. Osya thank you ulit :)
『laiterangdyosa』
BINABASA MO ANG
The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]
Teen FictionWhat if the bad boys met their match? What if the troublemakers met their match? What will happen if their worlds clash? Highest Rank: #14 in Teen Fiction