Ashton Haley JohanssonWow iba na talaga ang mga babaeng yun. Ano bang kailangan nila samen? Bat ganun na lang silang manstalk. Grabe nakakatakot talaga kapag babae ang ng iistalk. Nakakakilabot.
Agad tumayo si Lance at tumakbo papunta sa taas.
"Karl may bagong picture nanaman ba?" sigaw niya.
Pagtingin namin meron nga. Tangina. Pati si Blaine pumunta na rin sa sariling kwarto niya. At kagaya nung kay Lance nagkaroon din siya ng picture na panibago. Tae. Pano nila nagagawa yun? Nabigla kami ng may lumabas nanamang panibagong picture. Picture namin dalawa ni Karl na nakatingin?
Bigla na lang may binalibag na webcam si Lance sa harap namin. Si Karl naman tinakpan ang camera sa laptop niya.
"I knew it!" inis na sabi ni Lance
"They're quite knowledgable in hacking too huh?"
Bumaba na rin si Blaine na dala din ang webcam niya. Bigla namang may lumitaw na file. It's video. Pagplay namen biglang lumitaw ang mga mukha nilang apat.
"Hi well congratulations in accessing our computer" sabay palakpak ni Sophia at Beatrice.
"And for that we have a reward for you" sabi ni Scarlett sabay smirk niya.
Bigla namang ano ano ng file ang lumitaw hanggang sa nagblackout na ang laptop ni Karl. Sa bilis ng pangyayari natulala na lang ang katabi ko. Tinry niya ulit in-on kaso di na talaga gumana.
"Shit!" sabay balibag niya sa laptop.
Bat ba nambabalabag sila ng gamit. Pero ewan bigla akong kinabahan na ewan. It's not you Ash. Relax. Huminga ako ng malalim para mapakalma sarili ko. Kahit sino naman kase nenerbyusin.
"Kailangan talaga nating pumunta dun"
Sabi ni Lance na ikinasang ayon naming lahat. Agad na kaming umalis at dumaan muna ng mall para bumili ng mask. Mask kase ang required sa party. Dun na rin kami bumili at nagpalit ng damit. Dahil required din ang suit. Di na nagmotor si Lance pero nakanya kanya parin kami ng sasakyan.
Siguro nagtataka kayo kung bakit kami sumusunod sa requirements right? Kase para hindi kami ganun mapansin ng mga tao. At para madali lang kami makakilos mamaya habang nagiimbestiga. Pagkatapos namin e dumuretso na kami sa venue ng party.
-----
Sakto lang ang dating namin. Lahat naman nakasuit kaya okay hindi kami niloko. Nagdala na rin kase kame ng extrang damit just in case. May mga nakagown din at nakamask. Mukhang di kami nakilala kase iniba namin ang ayos ng buhok namin. Inobserbahan naming mabuti ang venue. Ilang minuto lang magsisimula na ang party. May nagiikot na ring mga waiter na may dadalang tray na may iba't ibang inumin na nakalagay sa wine glass.
Kumuha lang ako ng isa at naglakad lakad. Naghiwahiwalay na kami para makapagikot ikot. Napadpad ako sa may garden ng resort. May isang babae naman akong nakita. Nakasuot siya ng maskara kulay pula ang buhok. Nakasuot din siya ng kulay pula na engrandeng damit. Parang galing siya sa dating panahon. Napatulala lang ako sa kanya na ewan ko kung bakit.
Tumingin siya sakin tila kilala niya ako. Naglakad siya papunta sakin at kinuha ang wine glass na dala ko. Ininom niya ito at umalis ng walang sinasabi. Ako naman parang ewang tinignan na lang siyang naglakad palayo.
This is so not you Ash. Tsk. Akmang iinom ako sa wine glass ng makita kong wala na itong laman.
Tss.
-----
Nandito ako ngayon sa may bar stool nakaupo. Katabi ko naman si Karl na na tumitingin tingin kung saan saan.
"Hinding someone?" tanong ko sa kanya.
"Just observing" sabi niya sabay baling niya ng tingin niya sa phone na hawak niya.
Hay. Mukha naman kaseng may hinahanap siya e.
Umalis na langvulit ako at naglakad lakad. Wala pa rin akong nakikita sa kanilang apat. Marami rami narin ang mga tao dito. Iba ibang maskara at damit ang suot ng mga ito.
Nilapitan ko naman si Lance na nakatayo sa may balkonihan.
"Negative boss" pabiro kong sabi sa kanya.
Nagbuntong hininga naman siya at biniba ang wine glass na hawak niya.
"Maybe we just have to call it a night"
"And enjoy the party" dugtong ko sa kanya na ikinasmirk niya.
Well tutal walang nakakilala samin so why not enjoy ourselves right?
Nagtoast lang kami at sabay na uminom nang nakita ko ulit yung babae. May kasama na siya ngayon. Naka kulay itim siya na fit na damit at nakamask din ito. Naguusap silang dalawa at nagtawanan.
Bigla naman silang lumingon sa direksyon namin. At ngumiti. Ngumiti rin ako pabalik at nag wave. Nakita ko namang nakatingin kay Lance yung nakaitim.
Tumingin din ako sa direksyon ng tinitignan niya at nakita kong nakangiti si Lance sa babaeng nakatingin sa kanya.
===============================
Orayt orayt hahahahaha
Next update? Dunno hahahaha
Nasa media pala yung mga dresses and matching mask na suot ng mga mysterious girls naten
Don't forget to vote and comment
『laiterangdyosa』
BINABASA MO ANG
The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]
Teen FictionWhat if the bad boys met their match? What if the troublemakers met their match? What will happen if their worlds clash? Highest Rank: #14 in Teen Fiction