Kabanata 11

673 31 0
                                    


Dumaan kami sa gilid ng hagdan, may nakikita akong pinto na nakasara roon. Marahil 'yon ang nilabasan niya kaninang nagpunta siyang pool. Hawak niya ang isa kong kamay habang ang isa ay nakahawak sa tuwalya na nakalagay sa aking balikat.

Ang aircon ay mas lalo lang nagpalamig ng nararamdaman ko. Paulit-ulit akong huminga ng malalim habang nilalakad namin ang hagdan. Walang nakapansin sa amin kahit marami ang tao sa loob.

Naglakad kami sa mahabang pasilyo na may maraming pinto. Sa bawat dingding ay may nakasabit na painting. Natigil ang tingin ko sa painting nilang lahat. Nakaupo si Mayor at ang asawa nito samantalang nakatayo naman ang mga anak niya. Si Aaron ay nasa tabi ng isang magandang babae na tingin ko ay ina niya.

Binuksan niya ang isang pinto at hinarap ako. Agad akong napaatras sa kanya. Natuon sa akin ang tingin niya nang napansin 'yon.

Suminghap siya. "Dito ka muna magbihis. May damit sa closet, pumili ka na lang. Hindi ako... papasok."

Tumango ako at pumasok na sa kwarto. Wala masyadong gamit at simple lang ang disenyo maliban sa magarang kama na may ilaw pa sa paanan. Tiningnan ko siyang nanatili sa pintuan. Tumango siya at sinarado na 'yon.

Tinanggal ko ang tuwalya at bumuntong hininga. Pumasok ako sa sinasabi niyang closet at nakitang kompleto nga sa mga damit dito. Ganito ba sila sa lahat ng bisita nila?

Ginawa ko ang dapat na gawin. Simpleng damit lang ang pinili ko. Isasauli ko pa ito sa kanya pero lalabhan ko muna. Paano ko isasauli? Sa school kaya o babalik ako rito?

Naputol ang iniisip ko nang may marinig na mararahang katok sa labas. Isang pasada ng aking damit at tingin sa salamin bago tuluyang lumabas. Binuksan ko ang pinto at bumungad si Aaron at ang isang kasama nila sa kanilang bahay.

"Palalabhan ko kay Lala ang damit mo. Balikan mo na lang sa mansyon bukas o sa makalawa." aniya.

"H-hindi na. Ako na lang ang magdadala." iling ko.

Kumunot ang noo niya. Naisip ko rin na medyo nakakahiya nga ang nangyari sa akin kanina. Napansin kaya 'yon ng mga bisita? Malayo ang pool sa terasa pero baka may nakakita.

Sumunod si kuya at may inis siyang ekspresyon kay Aaron.

"Ah... kung pwede ilalagay ko na lang sa bag ang damit-"

"Basa ang damit mo. Iwan mo na lang dito tsaka mo balikan bukas."

Umawang ang labi ko at sa huli ay tumango na lang. Naisip kong isasauli ko rin itong suot ko ngayon bukas kaya babalik din ako sa mansyon.

Naghihintay si Levi at Katelyn sa pool paglabas namin. Mabilis na lumapit si Levi at sinipat ako pero hindi na siya nagsalita nang dumiretso si Aaron paakyat ng hagdan para pumasok sa sliding door, doon makikita na siya ng lahat.

Sumunod kaming dalawa ni kuya sa kanya. Pagpasok ay hinila ko agad si Nami na nakikipagkwentuhan pa sa kakilala niya at sa iilang lalaki.

"Uuwi na tayo? Eight pa lang ng gabi. Saan ka pala kanina?" pagtatanong ni Nami habang lumalabas kami ng mansyon.

Pumasok si Aaron sa loob ng kotse kasunod ni kuya. Umupo ako sa inupuan ko kanina at tiningnan siyang pinaaandar ang sasakyan.

"Anong mayroon? Bakit parang nakakarinig ako ng kru kru..." bulong ni Nami sa akin.

"Tumigil ka nga."

Napaatras siya at tiningnan ang kabuoan ko, "Bakit iba na damit mo? Anong nangyari kanina?"

Nanatili akong nakatitig sa kanya hanggang sa nanlaki ang mata niya at tinakpan ang bibig. Umirap ako sa alam kong iniisip niya.

Mas lumapit pa siya sa akin, "Don't tell me nag ganon kayo-"

Star In Paradise (Hacienda de los Caballeros #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon