Dumilat ako at agad ngumiti. Nakabukas na ang bintana at hinahangin ang kurtina ko. Bumangon ako at tumayo sa gilid ng bintana para matanaw ang araw. Masakit sa mata kaya ang langit na lang ang tinitigan ko.Sobrang makapangyarihan ang araw. Nag-iisa lang ito pero kaya niyang bigyang liwanag ang buong mundo. Ito rin ang unang sumasalubong sa akin sa tuwing nagigising ako.
"Autumn, anak. Bumangon ka na." kinatok ni mama ang pintuan kaya nilapitan ko iyon at binuksan, bumungad siyang nangingiti sa akin, "Happy birthday!"
Natawa ako at niyakap si Mama, "Thank you, Ma."
Tuwing kaarawan ko, nakasanayan na ni Mama na siya ang unang kakatok sa pintuan at babati sa akin. Walang birthday ko na pinaglagpas niya. Sa labing pitong beses, siya ang unang bumati sa akin.
Bumaba kami sa maliit na hagdanan. Pagpunta sa kusina ay natigilan ako nang nakita si Nami, Wendy, at Eunice na nagluluto ng pansit doon. Humilig ako sa hamba ng pintuan at nangingiting pinanood sila.
May biglang humalik sa aking pisngi. Bumaling ako sa likuran ko at nakita si kuya.
"Happy birthday, Autumn." bati niya.
"Kuya..." ngumuso ako at niyakap siya.
Humalakhak siya at hinagkan ang aking buhok, "Sorry sa mga nagawa ko."
"Kaya ka ba mabait dahil birthday ko?"
Mas lalo siyang natawa, "Ngayon lang dahil birthday mo."
"Susungitan mo na naman ako pagkatapos nito?"
Natatawa siyang umiling iling. Iginiya niya ako sa labas at nakita silang nag-aayos ng mahabang lamesa. Nakalatag doon ang malalaking dahon ng saging. Kita ko si Aling Aida na nangunguna sa paghahanda at si Nil din na tutok sa letson.
Bumalik ako sa kwarto para gawin ang pang-umaga kong ginagawa bago bumaba ulit para tulungan sila sa paghahanda. Tinulungan ko si Aling Aida sa pag-aayos at nanatili lang sa labas ng ilang oras hanggang sa tinutulak na nila ako para pumasok.
"Maghanda ka na sa kwarto mo, Autumn. Jusko ka! Ang dungis mo. Sige na, sige na. Kami na ang bahala rito." tinulak ako ni Aling Aida kaya wala akong nagawa kundi ang pumasok.
Sinuot ko ang regalong bigay ni kuya noong christmas. Isang off-shoulder dress na black and white. Nilugay ko ang buhok ko at nagulat nang biglang pumasok ang tatlo at agad akong hinila paupo sa cabinet.
"Balita ko parating ang diyablong si Levi kaya mag-ayos ka na. Paniguradong sasama ang pinsan niya." sabi ni Nami na ikinagulat ko.
"Ano? Pupunta sila ngayon dito?" halos mapatayo ako sa gulat.
Pinaupo ako ni Wendy at nag-umpisa na siyang lagyan ng foundation ang buong mukha ko. Gusto ko nang maubo sa bilis ng paglalagay niya.
"Sandali, sandali!" sita ni Eunice, "Kulutin muna natin dulo ng hair mo. Para mas maganda."
Inumpisahan nilang ayusin ang buhok ko. Ngumuso ako sa salamin at tamad na tiningnan ang sarili. May inabot na mukhang libro si Wendy at nilapag iyon sa hita ko.
"Ayan magbasa ka muna."
"Ano ito?" binuklat ko ang libro.
"Libro, tanga ka?"
Sinabunutan ko siya. Nagbasa lang ako ng librong bigay niya hanggang sa nabagot ako. Saktong tapos na sila sa pagkukulot ng buhok ko. Hinati 'yon ni Eunice sa gitna at inilagay sa magkabilang balikat ko. Umawang ang labi ko habang tinitingnan ang aking itsura sa salamin.
"Make up naman ngayon!"
Nasulyapan ko si Nami sa salamin na may nilalabas na kung ano sa mga paper bag. Pinapikit ako ni Wendy at siya naman ang naging abala sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
Star In Paradise (Hacienda de los Caballeros #1)
RomanceHacienda de los Caballeros Series #1