Kabanata 32

563 26 0
                                    


"Excuse si Aaron ng one week kung gano'n?" humarap sa akin si Nami para tanungin iyon.

Tumango ako habang nilalabas ang malinis na one whole, "Magta-take siya ng special exam pagdating niya."

Umismid si Nami, "Sana all special."

Hindi ko na siya nasagot dahil abala na ako sa pagsusulat ng assignment ko. Hindi ako natulungan ni Aaron at hindi ko man gusto, alam kong nasasanay na ako sa kanya. Nakalimutan ko tuloy na may assignment dahil siya lagi ang nagpapaalala no'n sa akin.

"Mamaya punta tayong cafe, ah?" anyaya ni Eunice na bagong dating lang.

"Hindi ako pwede mamaya. Malapit na ang bakasyon, ibig sabihin pasakit muna kaya kailangan maghanda."

"Saan pala magkokolehiyo si Aaron? Balik Manila ba?" tanong ni Nami.

Umiling ako, "Dito na."

Nagbaba ako ng tingin at napangiti nang naalala ang sinabi ni Aaron na dito na siya mag-aaral. Hindi ko alam kung bakit sobrang saya ko dahil doon.

Iniisip kong kaya ko naman kahit na long distance pero mas maganda pa rin kung nakakasama ko siya.

"Hoy!" nabulabog ang buong lamesa sa pag-upo ni Yohan.

Agad siyang sinapak ni Wendy na kanina pa nananalamin dahil sa gulat, "Kabute ka ba? Bigla ka na lang sumusulpot kung saan, eh."

"Miss mo ba ako?"

"Iw!" umirap si Wendy.

"Hindi rin kita miss, 'no! Hoy, Autumn, tahimik mo." siniko ako ni Yohan.

"Tahimik iyan kasi wala boyfriend niya." sinipat ako ni Eunice.

Natahimik si Yohan at halatang nagulat, "May boyfriend ka, Autumn?"

Sinulyapan ko lang siya. Wala akong ganang makipag-usap sa kanila ngayon dahil nalalapit na ang exam. Kailangan kong pagbutihin ito. Sabay kaming nag-aaral ni Aaron kaya nakakahiya sa kanya kung sakaling mababa ang grade ko rito.

"Hindi mo pa ba alam? Sila kaya ni Aaron." saad ni Nami.

"Sila ni Aaron?"

Sinipat ko ulit siya at nakita ang pagsinghap niya. Kinunotan ko siya ng noo.

"Anong itsura 'yan?" pagtatanong ko.

Umiling iling siya at kumurap kurap, "Wala naman. Nagulat lang ako. Akala ko magkaibigan lang kayo."

"Kung titingnan mukha nga talaga silang magkaibigan lang, 'di ba?" tanong ni Wendy.

Tumango naman si Nami, "Sweet sila pero hindi mo naiisip na nasa isang relasyon."

Nginisian ko sila, "Nakasanayan na."

"Gusto ko tuloy makita kung paano kayong dalawa naglalandian." tinagilid ni Eunice ang ulo niya.

"Hindi ko talaga maisip kung paano maglambing si Aaron, eh. Kapag nakikita ko naman kasi palaging seryoso ang mukha." ani ni Nami.

"Pero halatang seryoso rin pati sa relasyon. Naiisip ko siyang niyayakap si Autumn sa likod tapos naglalambing." tumili si Wendy.

Kinilig din si Eunice at hinampas ang balikat ko, "Oo, oo nga. Tapos sasabihin niyang nagseselos siya, girl!"

"Aray naman." natatawa kong hinaplos ang balikat ko.

Pinag-initan ako ng pisngi habang iniisip ang mga sinasabi nila. Hindi pa naman nagselos si Aaron kaya hindi ko pa alam ang nagagawa niya. Isa pa, wala naman siyang dapat na pagselosan. Bukod kay Yohan at Levi, wala na akong nilalapitang lalaki. Palagi ko naman pinapaalala sa kanya na kaibigan ko ang pinsan niya.

Star In Paradise (Hacienda de los Caballeros #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon