Tahimik lang ako sa sasakyan habang pinapanood ang nagkukulay kahel na langit at ang malawak na berdeng palayan sa gilid. Hindi ko alam kung ilang minutong pag-andar lang ng kotse ang naririnig namin.Sumunod ang tingin ko nang nadaanan namin ang puti nilang mansyon. May iilang sasakyan ang nakaparada sa gilid ng gate nila. Napatingin ako kay Aaron na nakatingin sa akin. Nag-angat ako ng kilay at nag-iwas.
"Aaron..." marahan ko siyang tinawag.
Hindi ako makatingin sa kanya lalo na't alam kong nakatingin siya sa akin ngayon. Huminga ako ng malalim at hinarap siya.
"Ayos lang ba tayong dalawa?" kahit na namumula ang pisngi ay pinagpatuloy ako sa pagtatanong.
"Bakit?" bulong niya, malumanay na ang boses.
"Napapansin ko kasi parang umiiwas ka."
Nalipat sa harap ang tingin niya at bahagya siyang ngumisi, "Masyado ka lang maraming napapansin, Autumn."
"Hindi nga ba?" mataman kong tinanong.
Lumunok siya, "Hindi."
Tumuwid ako ng upo, "Kung ganoon ay ayos tayo?"
Tumango siya at tumahimik. Maayos ba kami sa lagay na 'to? Gusto ko pa siyang tanungin pero umiwas na lang ako ng tingin. Magmumukha naman akong demanding kapag magtatanong pa ako.
Ganito naman kami dati. Hindi kami nagpapansinan sa school. Close lang kaming dalawa sa farm kapag nangangabayo at ngayong hindi na ako pumupunta roon parang bumalik lang din naman kami sa dati.
Ano ba ang problema mo, Autumn?
Siguro tama siya, masyado lang akong maraming pinapansin. Inaalala ko maski kaunting galaw niya. Hindi ko alam kung bakit ako apektadong apektado sa bawat kilos niya.
Pagtigil ng kotse ay mabilis akong lumabas at hinarap siya, "Maraming salamat sa paghahatid, Aaron. Salamat din po, manong."
Tumango sa akin ang driver nila. Sumandal si Aaron sa upuan at pumikit ng mariin, nakita ko pa 'yon bago naisara ang pinto ng kotse.
Maayos kami. Iyon na lang ang iisipin ko. Hindi ko naman siya gusto kaya ano ba ang pakialam ko kahit hindi niya ako pansinin?
Naglakad na ako papasok ng bahay at hindi na hinintay na umalis ang sasakyan. Narinig ko lang ang pagharurot no'n nang nasa loob na ako ng kwarto ko.
Simula noong gabing iyon, hindi ko na siya pinapansin sa school. Hindi iyon naging mahirap sa akin dahil nalalapit na ang moving up at sobra na kaming busy. Ang grade ten at grade twelve ang pinakabusy sa lahat ngayon.
Hindi ko na rin naman masyadong nakikita si Aaron. Pwera lang kung dadaan ako sa quadrangle at makikita siyang naglalaro roon.
Sa araw ng moving up ceremony, dumalo sila kuya, mama, at papa at apat kaming umakyat sa stage. Iyon ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko.
"Congrats top four, Autumn Iscael. Kairita! Ang tahimik mo pero tinalo mo pa si Erica." inirapan ako ni Nami na ikinatawa ko.
Ngumisi siya at niyakap ako. Niyakap ko rin si Nami. Nakita kami ni Wendy at Eunice kaya kulang na lang daganan nila akong tatlo. Natatawang pinanood kami ni mama habang si kuya naman ay kinakausap ang ibang grade twelve na emosyonal ngayon.
Humiwalay ako kay Nami at nilapitan ang ibang grade twelve na kakilala ko para icongratulate sila. Naiintindihan ko kung bakit sila emosyonal ngayon. Kahit naman ako kapag naka-graduate iiyak din.
Sinulit ko ang bakasyon ko sa ibang lugar. May pinuntahan kaming isla sa karatig bayan na hindi pa masyadong nalalaman ng ibang tao dahil masyadong tago ang lugar. Ang falls at ang malalawak na farm.
BINABASA MO ANG
Star In Paradise (Hacienda de los Caballeros #1)
RomanceHacienda de los Caballeros Series #1