Kabanata 22

570 24 0
                                    


"Anong sabi mo?" kinakabahan kong sinabi.

"Gusto kita," ulit niya, mas klaro na ngayon.

Pakiramdam ko may fiesta sa loob ng katawan ko. Uminit ng matindi ang pisngi ko. Kinagat ko ang labi ko at naglakbay ang tingin kung saan huwag lang sa mata niya.

"Pero hindi pwede." aniya na nagpabalik ng tingin ko sa kanya.

"B-bakit hindi pwede?"

"Hindi dapat... pero gustong gusto kita." hinapit niya ako palapit pa sa kanya.

Gusto mo ako? Pero hindi mo ako pinapansin.

Mahigpit man ang hawak niya sa pulsuhan ko ay wala na akong naramdamang sakit. Lumunok ako at huminga ng malalim. Paulit ulit akong huminga ng malalim. Hindi magawang mag-angat ng tingin dahil ramdam ko ang alab ng titig niya.

Huminga siya ng malalim, "Bumalik na tayo."

Hinila niya ang kamay ko at umamba ng lalapitan ang kabayo. Hindi ako gumalaw. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at napahinto siya. Nagtataka ang tingin niya ngayon.

"Sandali lang..." pigil ko.

Tuluyan siyang tumigil pero hindi pa rin binitawan ang kamay ko. Nag-angat siya ng kilay habang hinihintay ang kung anong sasabihin ko.

"D-dito muna tayo." sinubukan kong pagaanin ang boses ko.

Nag-iba ang ekspresyon niya. Ang kaninang galit ay unti-unting kumalma. Tinagilid niya ang ulo niya at tiningnan akong mabuti. Bumaling ako sa gilid para iwasan ang tingin niya pero bumalik din kaagad nang nilapitan niya ako.

"Bakit? Anong gagawin natin dito?" bulong niya.

Kinagat ko ang labi ko, "Mag-uusap lang."

"Anong pag-uusapan?"

Hinuli niya ang kamay ko at hinila palapit sa pandak na niyog. Tagilid ang katawan ng niyog. Ang kalahati nito ay nakahiga kaya doon lumapit si Aaron. Mabilis niyang hinawakan ang baywang ko at pinaupo ako sa niyog.

Kumapit ako sa magkabilang balikat niya. Umangat ang kilay ko sa posisyon naming dalawa. Mas lalo pang lumala ang kaba dahil nararamdaman ko siya.

"Anong pag-uusapan?" ulit niya.

"Tungkol sa sinabi mo." bulong ko.

"Ah-huh, anong tungkol doon?" nag-angat siya ng isang kilay, "Iyon bang gusto kita?"

Nakagat ko ang labi ko. Bakit parang ako ang nahihiya sa sinasabi niya? Tumikhim ako at umayos ng upo. Kahit na mas angat ako ay magkapantay pa rin ang tingin naming dalawa dahil matangkad siya. Nanatili ang dalawa niyang kamay sa aking baywang, pinipirmi ako para hindi mahulog.

"Gusto rin naman kita." mataman kong sinabi sa nag-iinit na pisngi.

Nagtaas siya ulit ng kilay, "Alam ko."

Umawang ang labi ko sa lantaran niyang pinagsasabi. Alam niya? Paano niya nalaman? Masyado na ba akong halata sa nararamdaman ko sa kanya? Nag-iwas ako ng tingin at binalikan sa isipan ang mga pinaggagawa ko nitong nakaraan.

"Paano mo nalaman?" nag-angat ako ng tingin sa kanya.

Ngumisi lang siya at hindi ako sinagot. Nakakahiya.

Tinapik ko ang balikat niya, "Bumalik na nga tayo."

"Mamaya na." hinarap niya ang lawa.

Tinalikuran niya ako pero ang dalawang kamay ay nakapatong sa tuhod ko nang sa ganoon ay hindi ako mahulog. Ramdam ko ang pagsandal niya sa katawan ko.

Star In Paradise (Hacienda de los Caballeros #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon