Kabanata 36

534 20 0
                                    


Nakarating kami sa mall nang alas onse. Naabutan namin si Aaron na nakaupo sa sofa ng isang boutique. Nagulat pa siya pagkakita sa amin ni Levi na magkasama, mabuti na lang at sinabi ni Levi sa kanya ang nangyari kanina.

Pinanood ko siyang nagsusukat ng iba't ibang suit. Napaka pormal at kapag ganito ay pakiramdam ko ang layo niya sa akin. Nakikita ko ang kaibahan naming dalawa kahit sa simpleng damit niya lang.

Nagtama ang tingin namin sa malaking salamin at kinindatan niya ako. Naalala ko bigla ang pulseras na regalo ko sa kanya. Sana walang makakita roon at huwag nilang buksan.

Inimagine kong suot iyon ni Aaron ngayon at doon ko nakitang bagay nga sa kanya. Pumili pa si Aaron ng iba habang si Levi ay naglalakad at nagtitingin din ng mga sapatos. Ang isang babae ay nakasunod sa kanya at kung ano ano ang pinapatingin.

"Bakit hindi ka na pumili, Levi? Sabihin mo kay lolo, nasa kabilang boutique lang 'yon."

Nalukot ang mukha ni Levi, tiningnan isa isa ang mga damit na nakahanger at maarteng hinawi iyon, "Walang babagay sa akin."

Binalingan ako ni Aaron sa salamin. Nginitian ko siya at sinabihan ng happy birthday. Ngumisi siya habang inaayos ang necktie. Nag-aalangang lumapit ang isang babae sa kanya at namumula ang pisngi nito nang siya na ang nag-ayos.

Nagbaba ako ng tingin at ngumuso. Pinaglaruan ko ang dalawang paa ko habang tahimik silang hinihintay na matapos.

"Autumn," marahang tawag ni Aaron.

Nag-angat ako ng tingin sa kanila at nakita ang pagkakatigil ng lahat pati na rin ni Levi. Tinuro ko ang sarili ko at tumango naman si Aaron.

"Bakit?" binalingan ko sila.

"Pakiayos ng necktie." aniya.

Naibaba ng babae ang kanyang kamay at nahihiyang yumuko at lumayo ng bahagya. Hilaw ang naging pagngiti ko habang lumalapit kay Aaron. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko habang sinusubukang ayusin ang pagkakasuot sa tie niya.

"Hindi ako masyadong marunong mag ganito." bulong ko sa kanya.

Ngumisi siya, "Tuturuan kita ng tamang gamit ng necktie."

Binaba ko ang kamay ko at pinanood siyang ayusin iyon mag-isa. Tumango tango ako sa kanya nang nakitang maayos iyon at nasundan ko.

"Una, ginagamit ito para rito." aniya, "Ikaw naman gumawa."

Kinalas niya iyon kaya ako naman ang gumawa. Napangisi ako nang nakuha ko ang ginawa niya kanina. Madali lang naman pala, eh.

"Wala kayong pink na ganitong bag?" rinig kong pagtatanong ni Levi sa likod.

"Ano iyong pangalawa?" tanong ko kay Aaron.

"Pangalawa..." tumitig siya sa mga mata ko at biglang hinawakan ang kamay kong nakahawak sa necktie, iginiya niya ang kamay kong hilahin pababa ang necktie kaya nasama ang ulo niya, pinatakan niya ako ng isang halik na ikinatigil ko, "Ganoon."

"Iw, iw, iw. Too much public display of affection." boses ni Levi.

Binitawan ko ang necktie at walang imik na bumalik sa upuan kanina. Nag-angat ako ng tingin kay Aaron at naabutan ang pagkislap ng mga mata niya. Sinimangutan ko siya.

Lumapit si Levi sa kanya at pinalo ito ng necktie, "Kahit kailan talaga, Aaron, ang landi mo."

"Wala ka lang love life." ngisi ni Aaron.

"Excuse me. May love life ako."

Nagtaas ng kilay si Aaron, "Sino? Ni hindi mo nga mailabas si Nathalia-"

Star In Paradise (Hacienda de los Caballeros #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon