Ang Yohan na 'yon, hindi ko siya mapapatawad sa pagsisinungaling niya.Kasalukuyan kong pinupunasan ang table ni Doc nang biglang pumasok ang Mama niya at tiningnan ako kaagad ng malamig. Mabilis kong tinapos ang pagpupunas at pasimpleng bumalik sa posisyon ko, nag-iingat na hindi makagawa ng ingay.
Pairap na nag-iwas ng tingin ang matanda at dumapo naman iyon sa aking anak na tahimik lang na nakatayo. Nag-iba ang ekspresyon ng ginang. Napalunok ako at agad na kinabahan.
"Bakit ba hinahayaan niyong may bata rito sa clinic? Nasaan ba si Darius?" binalingan niya isa isa ang mga kasama ko.
Nilapitan ko si Ez at hinawakan ang magkabila niyang tainga tsaka ako yumuko sa matanda.
"Sorry, po-"
"Darius, anak!" ngumiti ito at yumakap sa anak niyang nag-aayos pa ng coat.
"Morning, Ma. Nag breakfast ka na?" tanong ni Doc at lumingon sa akin.
Nagbaba ako ng tingin pagkakitang napansin iyon ng kanyang ina.
"Bakit wala ka man lang sinasabi sa akin? May bata pala na palaging nandito sa clinic. Paano na lang kung laruin niya ang mga hayop dahil abala ang kanyang ina?" bahagya itong bumaling sa akin.
"Ma, matagal na dito si Ez at wala pa naman siyang napipinsala. Tahimik lang siya kapag sinasabi ni Autumn kaya huwag na kayo mag-alala."
"Anak, hindi pa rin tama iyon. Hindi niya ba maiwan ang bata sa bahay nila at dinadala pa niya talaga dito? Hindi man lang naisip na dagdag problema."
Sumingit ako. "Pasensya na po, pero hindi ko maiwan ang anak ko sa bahay kasi walang ibang tao roon na mag-aalaga sa kanya-"
"Edi alagaan niya sarili niya."
Nakagat ko ang labi ko sa sinabi niya. Nagbaba ako ng tingin kay Ez na tinitingala ako. Pasimple ko pa ring tinatabunan ang dalawa niyang tainga habang sinusuklian siya ng ngiti.
"Mama, matatanggal ka na naman ba sa trabaho dahil sa akin?" tanong niya.
Bumuntong hininga si Doc, "Bata lang siya, Ma. Huwag niyo nang pagalitan, mabait naman si Ez. Bakit hindi muna kayo mag-stay dito at makipaglaro sa kanya?"
Umingos ang matanda, "May darating mamaya na bisita. Bibilhin niya itong clinic. Matagal mo na binibenta dahil lilipat ka na, hindi ba?"
Suminghap si Doc at bumaling sa akin, "Ang bilis naman."
"Anong mabilis? Dalawang buwan na tayong naghihintay para sa buyer. Parating na siya bukas siguro o mamaya. Depende raw sa mood niya kaya dapat maghanda. Alisin mo na iyong mga nakakasagabal para naman magmukhang clinic at hindi playground itong lugar mo."
Nagkaroon sila Dalia ng bulongan tungkol sa bibili daw ng clinic. Pagkapasok ng matanda at ni Doc sa opisina nito ay pabagsak akong naupo at bumuntong hininga. Inikot ko ang tingin sa buong lugar.
Pangarap kong makapagpatayo ng sarili kong clinic. Natuto na rin akong manggamot dahil kay Doc pero hindi pa sapat iyon. Gusto kong makapagpatayo at mag-ampon ng mga hayop. Kung may pera lang ako...
Ang sweldo ko sa isang buwan ay sapat lang para sa amin ni Ez, minsan kinukulang pa at kung hindi nagpapadala si kuya ay baka kung saan na kami pinulot.
Hindi niya pa nakikita si Ez dahil nakiusap akong huwag sabihin kina Mama ang tungkol dito. Totoong nandito si kuya sa Manila pero hindi ako naglakas loob na puntahan siya para tingnan. Alam kong nagtratrabaho siya sa kompanya ng mga Caballeros kaya ayoko.
Tumunog ang phone ko kaya bumalik ako sa huwisyo. Tamad ko itong pinulot at binuksan.
Nami:
Happy birthday, Autumn!
BINABASA MO ANG
Star In Paradise (Hacienda de los Caballeros #1)
RomantizmHacienda de los Caballeros Series #1