Nagtama ang tingin namin ni Doc pagpasok ko ng clinic. Nginitian ko siya tsaka ako dumiretso sa gilid at isinabit ang bag. Kinuha ko ang uniform at nagpalit sa banyo, ipinusod ko na rin ang buhok ko at sandaling tinitigan ang sarili sa salamin.Wala si Ez dahil naroon naman si Nami. Uuwi ako mamayang twelve para sa kanya. Napaigtad ako nang may kumatok sa pinto. Mabilis kong tinapos ang pag-aayos at lumabas na.
Nagulat ako nang nakita si Doc na nakasandal sa gilid at nakahalukipkip. Inikot ko ang tingin sa buong nandito na nakatingin sa amin.
"May kailangan ba kayo, Doc?" tanong ko.
"Ayos lang ba si Ez?"
Kumurap ako ng isang beses ko, "Ayos lang siya... uh... iyon lang po ba?"
Ngumuso siya at nag-iwas ng tingin, "Hindi mo sinama rito?"
"May nagbabantay naman sa kanya sa bahay. Tsaka kaya ni Ez ang sarili niya, kailangan lang tutukan."
Tumango tango siya. Tumikhim ako at inilayo ang sarili nang may pumasok at tumingin ng mga hayop. Dumiretso na rin si Doc sa table niya.
Pinunasan ko ang bawat salamin para abalahin ang sarili. Sinipat ko si Doc na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa akin. Ngumiti ako at nagtaas ng kilay.
Lumapit lang ba siya para magtanong ng ganoon?
Pagkatapos kong iproseso ang mga papel para sa asong kukunin ng mag-asawang matanda ay nakita ko si Ez na pumapasok ng clinic kasama si Nami na naka suot ng aviator.
Nakasabit ang bag sa kanyang kamay habang maarteng binubuksan ang pinto. Tumakbo si Ez papunta sa akin kaya gumilid ako para mayakap siya.
"Mama!" hinalikan niya ang pisngi ko.
"Bakit kayo nandito? Nabagot ka ba sa bahay?"
"Galing kaming mall. Si Tita Ninang sabi niya bibilhan niya ako ng ice cream."
Tiningnan ko si Nami na dumiretso sa table ni Doc. Nanlaki ang mata ko nang bigla na lang siyang naupo sa harap. Halata ang gulat sa mata ni Doc at agad itong napatingin sa akin.
"Miss, may appointment ka po ba?" nag-aalinlangang tanong ni Loren.
Plastik na ngumiti si Nami, "Pasensya na, nakikiupo lang ako. Wala pa naman tao, eh."
Matalim ko siyang tiningnan nang bumaling siya sa akin. Nagtaas lang siya ng kilay at matamis na ngumiti kay Ez. Kahit kailan loka-loka talaga.
"Hindi pa pwedeng makiupo, Doc? Bisita ako ni Autumn kaya pwede naman siguro, hindi ba?"
Lutang na tumango si Doc, "Pwede naman.. I mean, sige."
Umiling ako at pinaupo si Ez sa inuupuan niya dati.
"May asawa ka na ba? Since pumayag kang makiupo ako pwede naman sigurong tanungin kita tungkol sa bagay bagay." rinig kong pangunguna ng boses ni Nami.
"Nami!" pabulong ko siyang tinawag kasi panay na sila tingin sa kanya.
Tumawa si Doc at ibinaba ang fountain pen, "Dapat ko bang sagutin ang tanong mo?"
Umawang ang labi ni Nami at napatingin kung saan, "Syempre. Kaibigan ko si Autumn, at malay mo sabihin ko sa kanya ang mga malalaman ko tungkol sa'yo."
Tumikhim ako at inilayo ang sarili para hindi sila marinig. Hindi ko siya kaibigan. Hindi ko siya kilala!
Pagkatapos yata ng kalahating oras ay lumabas si Nami. Itinuloy ko ang pagpapakain sa mga pusa habang tinitingnan siya sa labas. Saan na naman kaya pupunta ang isang iyon?
BINABASA MO ANG
Star In Paradise (Hacienda de los Caballeros #1)
RomansaHacienda de los Caballeros Series #1