"Dapat tuwid ang pagkakaupo mo hindi simpleng upo lang." hinawakan ni Aaron ang kabayo at pinapakalma ito habang nakasakay ako.Huminga ako ng malalim at sinunod ang sinabi niya. Tuwid ang pagkakasakay ko pero hindi ko maiwasang higpitan ang kapit ko sa renda na napansin niya.
"Huwag mong higpitan dahil tatakbo ang kabayo kapag pakiramdam niya sinasakal siya. Kumalma ka lang." aniya.
Kinagat ko ang labi ko. Hinawakan ni Aaron ang kamay ko. Nginitian ko naman siya. Ngumiti siya pabalik at pinagpatuloy ang pagtuturo.
Kinuha niya ang paa ko at isinabit iyon sa gilid na sabitan, "Marunong ka magduyan, hindi ba? Sabayan mo ang indayog ng kabayo na para ka lang nagduduyan. Gumamit ka ng pwersa sa iyong paa."
Tumango ako at sinubukang umangat kahit hindi pa tumatakbo ang kabayo. Paulit ulit kong ginawa iyon at natigilan lang nang bumaling ako kay Aaron at naabutan siyang kagat ang labi at nakatitig sa akin.
"Bakit?" tumigil ako sa ginagawa.
Lumunok siya at suminghap na parang nahihirapan, "Para kang..."
"Parang ano?" nagtaas ako ng kilay.
"Wala, ituloy mo." napapaos niyang sinabi.
Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko kanina. Inangat ko ulit ang sarili ko at umindayog pero natigilan ulit nang hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at pumikit siya ng mariin.
"Hindi ganyan!" nagulat ako sa galit at nagtitimpi niyang tono.
"Sabi mo ituloy ko-"
Umangkas siya sa kabayo at hinawakan ng mahigpit ang renda. Hindi ko pa siya natatanong ay siya na ang nagpatakbo ng kabayo. Pumunta kami sa direksyon ng lawa kaya napaismid na lang ako.
Pagkarating sa harap ng lawa ay bumaba siya. Inis at galit ang ekspresyon sa hindi ko malamang dahilan. Para siyang inis sa lahat pati sa kabayo at sa akin. Problema ng isang ito?
"Paano ako matututo kung ikaw lang din naman nagpapatakbo." inis kong sinabi.
Umirap siya, "Subukan mo na."
Lumayo siya ng bahagya. Hinila ko ang renda para mabaling ang ulo ng kabayo sa gusto kong direksyon. Lumayo ako kay Aaron sa takot na baka magwala bigla ang kabayo at masipa siya.
Tipid ang pagsipa ko sa tiyan nito. Ilang sandaling takbo at naglakad na ang kabayo. Ngumuso ako at bumaling kay Aaron na umiiling. Mabili siyang lumapit at nag-angat ng tingin sa akin.
"Ulitin mo." aniya.
Huminga ako ng malalim. Sinipa ko ang tiyan ng kabayo mas malakas ng kaunti sa naging sipa ko kanina. Humigpit ang hawak ko sa renda nang tumakbo siya ng medyo mabilis.
Hinila ko ang renda tama lang para hindi siya masakal. Tumigil ang kabayo. Narinig ko ulit ang yapak ni Aaron na nilapitan ulit ako.
"Isa pa, ulitin mo." aniya.
"Hindi ba pwedeng hintay lang sandali. Nahihirapan ako kasi feeling ko bigla na lang itong magwawala, eh." reklamo ko.
Bumuntong hininga siya, "Paano ka matututo kung ganyan ka? Ulitin mo."
Ngumuso ako at pasimple siyang inirapan. Tumuwid ako sa pagkakasakay at hinigpitan ang hawak sa renda.
Sinubukan ko ulit pero sa tuwing bumibilis ang takbo ng kabayo hindi ko maiwasang hilahin ang renda para tumigil siya. Nakailang ulit pa ako pero palaging ganoon. Pagod na ang kabayo at pagod na rin ako.
"Hindi ba sinabi ko sa'yong ibalanse mo ang katawan mo? Gamitin mo ang lakas mo sa paa at iangat mo ang katawan mo para sabayan ang kabayo. Ulitin mo, Autumn. Huwag kang titigil hanggang sa kaya mo na."
BINABASA MO ANG
Star In Paradise (Hacienda de los Caballeros #1)
RomanceHacienda de los Caballeros Series #1