Pagkatapos ng convocation ng grade twelve, sumunod ang pasakit sa aming mga junior. Halos isang linggo rin ang pagrereview ko para sa nalalapit na exam namin. Si kuya ang nagdadala ng pagkain sa farm dahil abala ako at naiintindihan niya.Lumipas pa ang mga araw, grade eleven naman ang naghahanda sa gaganapin nilang palabas habang kami naman ay nagpaplano na rin nang palihim dahil nalalapit na rin ang sa amin.
Nakabilog kaming hanay, walang teacher at nag-iwan lang ng susulatin kaya malaya kaming magplano para sa convocation. Nagsusulat sa harap si Mikaela, ang secretary na sipsip kay Ma'am.
"Pst!"
Napatingin ako kay Nami na may nginunguso sa pintuan ng room. Napatingin ako roon at nalukot ang mukha ko nang nakita si Yohan na kinakawayan ako. Nagsalubong ang kilay ko bilang pagtatanong sa ginagawa niya pero ngumisi lang siya.
"Limang oras lang ang kailangan natin para magpalabas. Ayos na 'yon o habaan pa?" nagtaas ng kamay si Chanel, ang president.
"Pwedeng mag-extend ng isang oras, baka hindi masakto. Mga lima o anim na oras na lang." suggestion ni Amythest na tinanguan naman ng president.
"Sige, anong una nating ipapalabas? Suggest kayo pwede?"
Nagtaas agad ng kamay si Nami, "Class song and dance."
"Nami, required 'yon!'' agap ni Jeremy.
"Oo, alam ko! Basta may suggestion na ako." umirap si Nami.
"Sshh, huwag kayong maingay. Baka marinig tayo ng grade eleven magsumbong pa sila." saad ni Erica.
"Subukan lang nila." maarteng sinabi ni Wendy at bumaling sa pinto kapagkuwan ay tinapik tapik ang kamay ko.
Hindi ko siya pinansin dahil alam ko kung sino ang nasa pintuan. Nagtaas ng kamay si Anniza at agad na nagbigay ng kanyang suhestiyon. Tumango si Chanel at sinulat na ng secretary sa board 'yon.
"Pwede rin dula-dulaan." sabi ng isa naming kaklase na busy sa phone.
"Hindi naman natin gagayahin ang mga grade twelve, syempre mas maganda sa atin." ngisi ni Nami na agad nakipag high-five sa katabing lalaki.
"Walang competition dito, sinabi na ni Ma'am. Tumigil ka, Nami." seryosong saway ni Chanel.
Bumaling si Nami sa amin bago nagkibit balikat.
"Pwede 'yong dula-dulaan, by group na lang para mahabang oras 'yong magawa natin." may isang bumasag ng tensyon.
Tumango si Chanel, "Isulat mo, Rine."
"Autumn, tigil niyo na 'yan. Parating na teacher niyo." boses ni Yohan 'yon na nakatayo pa rin sa labas ng room.
Binalingan ko siya at nginisian niya ako, "Bakit ka nandiyan?"
"Tinitingnan lang kita. Kita tayo mamaya." aniya tsaka umalis na.
Inayos namin ang upuan at binalik sa dati. Binura na rin nila ang nakasulat sa board dahil advicer ng grade eleven ang teacher namin ngayon.
Ganon lang ang takbo ng pag-aaral ko sa loob ng ilang linggo. Minsan na akong nakakadalaw sa farm at minsan din ay hindi ko naaabutan doon si Aaron. Magkakaroon ng bakasyon pagkatapos ng exam kaya 'yon ang iniisip ko para hindi masyadong mapressure sa mangyayari.
Sabado nang muli akong dumalaw at napangiti ako nang nakita siyang nagpapaligo ng kabayo. Suot ang gray na t-shirt, gray jeans, at gray din na boots, nakatutok ang hose sa pinapaliguan niyang puting kabayo. Mukha pa siyang may pinuntahan bago rito.
Paglapit pa lang sa kubo ay dumapo na agad ang tingin niya sa akin. Panatag ang ekspreyon niya na kung iisiping mabuti, parang kanina niya pa ito pinaghahandaan. Nagtaas ako ng kilay sa naisip. Hangal ka, Autumn.
BINABASA MO ANG
Star In Paradise (Hacienda de los Caballeros #1)
RomanceHacienda de los Caballeros Series #1