Wakas
Anong ginawa ko sa nakaraang buhay ko para mabiyayaan ngayon ng isang kagaya niya?
Palagi ko itong natatanong sa aking sarili sa tuwing nagtatama ang tingin naming dalawa.
"Ron!" napatingin ako sa tumawag sa akin.
Si Levi 'yon na tumatakbo, tumayo ako at isinabit ang bag sa aking balikat. Natigilan lang nang dumaan sa kanyang likod ang babaeng si Autumn. Autumn Miranda, kapatid ng boyfriend ni Kate na si Kenneth Miranda.
"Basketball mamaya, sa plaza." sabi ni Levi na nagpabalik ng tingin ko sa kanya.
"Hindi ako pwede. May pinapaasikaso si Lolo sa farm." tamad kong sinabi.
Nagtaas siya ng kilay, "Kausap natin pareho si lolo kanina at wala siyang inutos sa'yo."
Ngumisi lang ako at nag-umpisa nang maglakad.
"Palagi ka sa farm. May magandang babae ba roon?"
Natigil ako at napatingin sa kanya. Magandang babae? Binalingan ko si Autumn na masayang nakikipag-usap sa kanyang tatlong kaibigan. Nandoon din ang lalaking mukhang babae at hinahawakan ang buhok niya. Kumunot ang noo ko at nag-iwas ng tingin.
"Wala." sagot ko kay Levi.
Tuluyan na akong umalis. Noong unang kita ko pa lang sa babaeng iyon, umiikot na ang utak ko.
"Kaninong anak 'yan?" tanong ko kay Nil.
"Miranda 'yan. Hindi mo kilala? Kapatid ni Kenneth. Ganda, 'no?" ngumisi siya.
Isang babaeng may dalang bayong at nakaupo sa maliit na kubo. Kakaiba siya para sa akin. Sa Manila, bihira lang ang babaeng nakikita kong hindi nag-aayos. Ang babaeng ito, kahit walang kolorete sa mukha ay kusang lumilitaw ang ganda.
"Masyadong simple." kinabig ko ang kabayo at umangkas dito.
Napakadaling pakisamahan ang mga babae at palitan sila kapag nagsawa na. Ganoon ang ginawa ko pagkatapos makipaghiwalay ni Kate. Ganoon na ako, pero hindi dahil sa kanya. Noong naghiwalay kami, bumalik lang ako sa dati.
Naiiba si Katelyn sa mga babaeng kakilala ko. Gusto ko siya, kaya niligawan ko. Noong nagsawa naman siya, pinakawalan ko. Ganoon lang kasimple.
Pero bakit pagdating sa babaeng iyon nahihirapan ako?
Si Autumn. Maganda, matalino, at matigas ang ulo. Hindi siya marunong makinig. Kapag nakikita ko siya palagi na lang akong naiinis sa mga ginagawa niya. Pero hindi ko naman mapigilan mag-alala.
Iritado kong binuksan ang pintuan at bumungad sa akin ang mukha ni Katelyn. Mas lalo pa akong nairita.
"Anong ginagawa mo dito?" panimula ko.
"Nililigawan mo ba si Autumn?"
Nagtaas ako ng kilay. Gusto kong tigilan niya ako. Sinasabi niya kay Autumn ang lahat ng nangyari sa amin kahit hindi importante.
"Sagutin mo ako!" untag niya.
"Ano ngayon?"
Tumulo ang luha niya. Hindi ko siya maintindihan. Noong una hinahayaan ko siya sa bahay dahil kay lolo pero habang tumatagal, nakakairita na.
"Sabihin mo sa akin, ginagamit mo lang ang babaeng iyon para masaktan ako, 'di ba?"
Kumunot ang noo ko, "Anong sinasabi mo?"
"Inaamin ko. Nagseselos ako, Aaron. Ayokong lumalapit ka sa kanya. N-nagsisisi ako. Hindi ko dapat ginamit si Ken para bumalik ka sa akin. Nagkamali ako, please, sorry-"
BINABASA MO ANG
Star In Paradise (Hacienda de los Caballeros #1)
RomanceHacienda de los Caballeros Series #1