Kabanata 40

606 24 0
                                    


Ang recollection at retreat ay three days na ginanap sa Cebu City. Hindi kami madalas magkasama ni Aaron dahil hiwalay sila ng lugar. Nanatili kami sa dorm ng mga babae sa isang university na pinaniniwalaang haunted daw.

Mas malala pa ang lugar kaysa sa Baguio. Totoong may mararamdaman na kakaibang presensiya. Takot si Nami kaya palagi siyang nakakapit sa braso ko. Hinahayaan ko siya dahil talaga namang nakakatakot.

Noong naglakad lakad kami ni Aaron ay pareho naming naramdaman ang malakas na presensiya pero hinayaan na lang namin. Kung hahayaan sila hindi naman sila manggagambala ng iba.

Kagaya ng dati, pinaiyak na naman ako ng recollection namin. Palagi na lang sa tuwing nagsasalita ang pari sa harap at pinag-uusapan na ang tungkol sa pamilya.

Dalawang oras lang ang binigay nila para makapasyal sa Cebu at ginamit namin 'yon ni Aaron makapag-date. Pagkatapos nito ay ang finals kaya sasakit na naman ang ulo ko.

Sabay kami ni Aaron na nagreview para sa final exam. Sabay lang din naman lahat na magta-take. Naging maayos ang takbo no'n kaya maayos din ang grade ko. Napangiti ako dahil sa sinabing kong babawi ako sa final. Nakabawi nga ako.

Sa bakasyon naman, lagi pa rin ako sa farm at doon kami madalas ni Aaron. Pumupunta rin ako sa mansyon at naaabutan ko siyang naglalaro ng basketball kasama ang mga pinsan niya. Palagi niyang suot ang kanyang jersey na palagi ko namang inaasar kapag nakikita ko.

Akala ko talaga pareho kami ng birthdate.

"Enrollment na sa college. Saan ka mag-aaral?" tanong ko kay Aaron habang kumakain ng hinanda niya.

Lumapit siya sa ref at tumingin ng ice cream, "Kung saan nag-aaral ang kuya mo."

Namilog ang mata ko, "Sigurado ka? Doon din ako!"

Ngumisi siya at hinalikan ako sa pisngi. Saktong pumasok ang kanyang mama na ngiting ngiti sa akin. Lumapit si Aaron sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"Anak, mas nauna mo pang halikan si Autumn. Kunti na lang at magseselos na ako sa kanya." ngumiti ang mama niya.

Pinag-initan ako ng pisngi nang tumawa si Aaron at hindi nagsalita. Bumalik siya sa ref at tumambay ulit doon.

"Anong flavor, Autumn?" tanong niya.

Sasagot sana ako ng chocolate pero naunahan na niya. Kumuha siya ng chocolate at lihim akong napangiti roon. Nabanggit ko na sa kanya ang mga paborito ko. Mabuti na lang at naalala niya.

"Kayo, Ma?"

"Huwag na, hijo. Ayokong mag ice cream kaya kayo na lang. Dumaan lang ako para i-check kayong dalawa. Ngayong maayos kayo, aalis na ako."

"Ah... dito po muna kayo kung gusto niyo." pigil ko.

"Ayos lang ako, hija. Huwag masyado sa ice cream, Khairro, baka magkasakit kayong dalawa." aniya habang umaalis na.

"May nagkasakit ba sa sobrang pagkain ng ice cream, Ma?" tanong ni Aaron na abala pa rin sa pagpili ng masarap na chocolate.

"Sundin mo ako, Aaron, tatamaan ka sa akin. Pagkatapos niyo diyan ihatid mo na si Autumn sa bahay nila-"

"Manonood pa kami."

Natigilan ang mama niya at namaywang, "Iuwi mo na siya pagkatapos dahil baka hinahanap na."

"Mama, may tatlong oras pa kaming dalawa. Iuuwi ko siya bago mag five."

"Manahimik ka nga. Araw-araw na kayong magkasama na dalawa masasayangan ka pa ba sa tatlong oras? Iuwi mo siya, tatamaan ka talaga sa akin." ngumiti ito sa akin ng matamis bago umalis ng tuluyan.

Star In Paradise (Hacienda de los Caballeros #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon