Kabanata 24

553 19 0
                                    


Nasa kalagitnaan ako ng pagtatanim nang tinawag ni Aling Aida para paliguan ang mga kabayo. Mabilis lamang 'yon dahil may iba pa daw siyang gagawin kaya isang oras ay tapos na kaming dalawa.

Pagkatapos magpaligo ay nagpahinga ako sa kubo at kinuha ang notes ko. May assignment pa pala akong sasagutan kaya habang wala pa masyadong ginagawa ay gagawin ko na.

"Autumn, birthday mo na bukas?" nilingon ko ang nagsalitang si Levi na umuupo na sa harapan.

Tumango ako sa kanya, "Ganoon na nga. Paano mo nalaman?"

"Narinig ko sa mga kaibigan mo. Imbitado ba ako? Ano 'yan, debut?"

"Hindi, seventeen pa lang. Imbitado ka nakakahiya naman sa'yo." panggagaya ko sa ekspresyon niya.

Tumawa ako at saktong nakita si Aaron na papalapit. Umayos ako ng upo habang sinusundan na siya ng tingin. Naupo siya sa tabi ko at pinakialama kaagad ang mga notebook ko.

Tumikhim si Levi, "Hala! Ang kabayo."

Halata ang pagpapanggap sa boses niya at mabilis siyang nawala para makalapit ng kwadra.

"May assignment kang hindi pa tapos?" binasa ni Aaron ang sinasagutan kong essay.

Tinamaan ako ng hiya habang binabasa niya 'yon, "Hindi pa tapos. Akin na."

Inilayo niya sa akin ang notebook habang patuloy pa rin itong binabasa. Si Levi ay nagkunwaring inaasikaso ang mga kabayo para makalayo sa amin ni Aaron. Nakita ko siyang maligayang kinakausap si Mang Emil.

"Akin na, Ron." tinangka kong kunin ang notebook pero inilapag niya 'yon sa lamesa at binasang mabuti.

Bumuntong hininga ako at hinayaan na lang siya. Minsan kumukunot ang noo niya, minsan naman ay tumatango siya na parang sang-ayon sa sagot ko.

"May assignment ka pala bakit hindi mo sinasabi sa akin?" pagtatanong niya.

"Teacher ba kita?" kinunotan ko siya ng noo.

Malamig niya akong nilingon kaya nagbaba ako ng tingin. Nakaka-intimidate siya kapag ganitong hindi nagsasalita at seryoso lang ang reaksyon ng mukha.

Nilapag niya ang notebook ko, "Tapusin mo na. Tuturuan kita."

Ganoon ang ginawa namin. Tinuturuan niya ako para masagutan ang mga 'yon. Namamangha ako sa tuwing alam niya kaagad ang sagot sa mga tanong na parang gamay na gamay na niya 'yong subject.

Nang natapos ako ay sinagutan ko na rin 'yong isa pa. Ako ang sumasagot ng assignment ko, tinuturuan niya lang akong intindihin iyon pero hindi direktang galing sa kanya ang sagot. Ako pa rin ang nag-isip kaya grade ko pa rin 'to.

"Tapos ka na?" binaba niya ang librong binabasa at tiningnan isa-isa ang sagot ko.

Ngumiti siya ng tipid at tumango ng isang beses. Kinagat ko ang labi ko. Ang makita ang nalulugod niyang ekspresyon ay mas masaya pa kaysa noong sinabi ng teacher na perfect ako sa exam.

"Wala ka ng assignment?" tanong niya.

Nag-isip muna ako, "Wala na. Iyong iba ay pinapasulat lang sa amin."

"Are you sure? Baka may nakalimutan ka?"

Umiling ako, "Tapos na. Siguro babalik na ako sa ginagawa kaninang pagtatanim."

Tumayo ako pero agad niyang hinawakan ang aking kamay kaya nabalik ako ulit sa pag-upo. Mas lumapit siya kaya natigilan ako. Itinukod niya ang kanyang kamay sa papag bilang suporta sa paglapit niya.

"Next time, kung may problema ka sa school sabihin mo kaagad sa akin."

Napakurap kurap ako, "Hindi naman 'yon problema sa akin. Natural na lang ang assignment-"

Star In Paradise (Hacienda de los Caballeros #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon