Kabanata 29

525 24 0
                                    


Naputol ang halikan namin nang nakarinig ng ingay sa lawa. Sabay kaming napatingin ni Aaron sa malayong banda at doon nakita ang ibang trabahador na nagsasaya dahil dumalaw si Mayor. Mayroong mga puno sa paligid ng lawa kaya doon sila naupo.

Kita ko ang mga binubuhat ng iba na maraming pagkain. Hinalikan ni Aaron ang aking pisngi habang abala naman ang mata  ko sa pag-ikot. Nakita ko si Mama na may hinahanap.

"Lumapit tayo kay Mayor."

Bahagya siyang lumayo at tiningnan din ang tinitingnan ko kanina, "Nandito si lolo?"

Tumango ako at ngumisi, "Lolo mo pero hindi mo alam?"

May hinanda silang upuan para kay Mayor at doon naupo ang matanda. Tawa ito ng tawa habang namimingwit pa.

"Lumapit tayo?" anyaya ko.

Gusto kong makisaya sa kanila. Bumuntong hininga si Aaron at tamad na kumapit sa renda. Pinatakbo niya ang kabayo palapit kina Mayor. Dumapo ang mata nito sa amin at nakita kong natigilan siya. Natigilan din ang iba habang pinapanood kaming bumababa ni Aaron.

Hinawakan niya ang baywang ko at tinutulungan akong bumaba. Nginitian ko siya bago ako lumapit kay Mayor. Sumunod naman si Aaron.

"Hija, ikaw pala." bati ni Mayor.

"May nahuli na po ba kayong isda?" pagtatanong ko.

Natawa ito, "Nako, mahina naman itong uod. Baka may alam kang mas magandang paraan, hija."

Tinawanan ko lang ito.

"Lolo, bakit dito kayo nangingisda?" tanong ni Aaron at naupo sa inupuan ko.

Tumingin si Mayor sa kanyang apo, "Nandito ang tubig, hijo. Alangan naman na sa kalsada ako mangisda."

Kinagat ko ang labi ko para mapigilang tumawa. Kumunot ang noo ni Aaron kaya mas lalo kong pinigilan.

"Hindi kayo nakakatawa, lolo."

Mahina akong natawa kaya iritadong bumaling si Aaron sa akin. Nagkasya kaming dalawa sa upuan habang pinapanood ang lolo niyo sa pamimingwit. Sinubukan din ni Aaron pero matigas ang ulo ng matanda.

"Maupo ka na lang dyan ako na rito! Aagawin mo lang mga isda ko."

Umiling si Aaron at nilapitan ako ulit. Kita ko ang pagsunod ng tingin ni Mayor kaya naging tipid ang galaw ko. Kung hindi lang siya palangiti, pareho na sila ni Aaron ng itsura.

"Girlfriend ka ba, hija, nitong apo ko?" tanong niya kalaunan.

Napakurap kurap ako, "Uh..."

"Bakit? Pipigilan niyo kung oo?"

Agad kinuha ni Mayor ang isang mahabang kahoy at pinangpalo iyon sa balikat ni Aaron, "Anong tingin mo sa akin kagaya ng sa mga drama?"

Nanlaki ang mata ko habang tinitingnan sila. Inis na inalis ni Aaron ang dumi sa kanyang damit at mas lumapit sa akin para lumayo sa lolo niya.

"Hindi ko gagawin 'yon. Kung saan ka masaya edi doon na rin ako. Pero inaamin kong balak kong ipakasal ka sa anak ng kumpare ko pero huwag na dahil may girlfriend ka naman." ani ni Mayor sabay tawa.

Nagkatinginan kami ni Aaron. Naningkit ang mga mata ko.

"Hindi totoo 'yon." mabilis na tanggi ng lalaking ito.

Natawa si Mayor, "Totoo 'yon, hija. Pero wala akong balak maging hadlang sa inyo ng apo ko. Baka ako pa ang lapitan ni Aaron at iyakan-"

"Kailan ako umiyak sa inyo, lolo?"

"Huwag ka nga, Aaron. Umiiyak ka sa akin noong bata ka pa lang."

"Noon 'yon." agap ni Aaron.

"Mayor, gumagalaw! Gumagalaw!" sigaw ni Nil na nasa gilid na pala ng lawa at tinitingnan ang tubig.

Star In Paradise (Hacienda de los Caballeros #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon