Kabanata 8

676 35 0
                                    


Natigilan ako sa paglalakad nang namataan si Katelyn na nakatayo habang hawak ang kanyang libro sa kamay niya. Normal lang 'yon kung unang tingin pero alam kong hindi dahil nasa tapat siya ng room ng grade eleven. At hindi rin siya nag-aaral dito. Anong ginagawa niya?

Lumabas sa room ang president nila at kinausap si Katelyn. Tumango lang si Kate ng isang beses bago muling tumingin sa loob ng room. Ngayon ko lang siya nakita na nagpunta rito. Sinong hinahanap niya sa mga grade eleven?

Naglakad na si Katelyn papalayo. Bagsak ang balikat niya at parang lutang pa. Doon lang ako nagpakita at tuluyang pumasok sa room. Bumungad sa akin ang tila nabagyong room namin. Hindi na 'yon bago kaya naupo na ako sa upuan ko.

"Nandito si Katelyn." ani ko sa tatlong nag-uusap ngayon.

"Oo, nakita namin, girl. Anong ginagawa niya sa school natin?" pagtataka ni Nami.

Nagkibit ako ng balikat, "Hindi ko rin alam. Siguro may binibisita?"

"Sino naman? Wala naman 'yong kapatid."

"Baka kakilala." saad ko ulit.

Nilabas ko na lang ang notebook ko at hindi na nag-isip pa ng kung ano. Girlfriend siya ni kuya at matagal na sila pero ni minsan hindi ko nagawang maging kasundo si Katelyn. May kung ano sa kanya na parang nag-iiwas sa akin makipaglapit. Basta pakiramdam ko lang... masyado siyang mabait para sa isang katulad ko.

Ayaw ko sa mga taong masyadong mabait. Imbes na hangaan ang mga ganoong tao, mas naaawa pa ako sa kanila. Hindi ko alam.

"Malapit na magpasko, girl. Anong regalo ang ibibigay mo?" tanong sa akin ni Nami habang naghihintay ng bus pauwi.

Binalingan ko siya, "Nami,"

"Hmm? Bakit?" isang tingin sa akin bago ang tingin binalik sa phone.

"Bukas na ang competition na sinalihan ni kuya. Samahan mo akong manood para sa kanya?"

Natigilan siya at napatingin ulit sa akin, "Sure ka? Niyayaya mo ako?"

Tumango ako, "Ayaw mo ba? Kung ayaw mo ayos lang-"

"Anong ayaw? Ako aayaw sa ganoon? Syempre, sasama ako! Kailan nga ulit? Anong oras ba? Game ako dyan, girl!" aniya at nagtatalon pa.

"Punta ka sa bahay mga eight ng umaga. Maaga si kuya kaya magbus na lang tayo."

Tumango tango siya, "Okay, payag ako. Kita tayo bukas."

Kinabukasan ay tuloy ang pinag-usapan namin ni Nami. Seven thirty pa lang ay nasa bahay na siya. Sanay naman siyang nagpupunta ng bahay namin kaya ayos lang kina mama. Naabutan niya pa si kuya kaya nag-usap muna sila habang naliligo ako.

Nagsuot lang ako ng jeans at t-shirt. Nilagyan ko lang ng clip ang gilid ng buhok ko para hindi humarang mamaya kapag natuyo na. Paglabas ay naabutan ko si kuya at Nami na nag-uusap pa rin sa sofa.

Tumayo si kuya at nagpaalam na kay Nami pagkakita niya sa aking bumababa. Todo ngiti si Nami at alam kong excited talaga siya. Sinimangutan ko siya tsaka ako bumaling kay kuya.

"Hinintay na kita. Sabay na tayong pumunta sa school. Hindi ko lang kayo masasamahan na dalawa kapag nasa loob na tayo." sabi ni kuya habang lumalabas kami.

Wala na sila mama at nasa farm na. Walang maghahatid ng pagkain kaya nagluto na sila kanina pang madaling araw. Hindi naman 'yon kaagad mapapanis hanggang tanghali.

"Kuya Ken, sinabi mo na ba kina Tita ang tungkol dito?" tanong ni Nami.

Tumango si kuya at bumaling sa akin, "Sinabi ko na noong isang araw pa. Pumayag sila kaya tinuloy ko."

Star In Paradise (Hacienda de los Caballeros #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon