Ramdam ko ang pagod. Takbo lang ako nang takbo kahit hindi ko na alam kung saan ako magtatago. Panay ako lingon sa likuran ko at nakita ang mga lalaking lasing na hinahabol ako. Habol ko ang hininga pagtigil."Huwag ka na tumakbo, Miss. Isang tikim lang naman." at sinabayan nila iyon ng nakakatakot na tawa.
Kinapa ko ang tiyan ko at nanlaki ang mata pagkakita sa aking paa na puro dugong umaagos. Nanlabo ang paningin ko at bago pa mawalan ng malay ay naramdaman ko ang pagyugyog ng kung sino.
"Mama!"
Mabilis kong iminulat ang aking mata at natulala pa sa kisame. Nabaling lang ang tingin ko nang humikbi si Ez na siyang gumising sa akin. Mabilis akong bumangon at inabot siya. Ramdam ko ang panginginig naming dalawa.
"Nananaginip ka na naman ba, Mama?" umiiyak niyang sinabi.
"H-hindi, anak. Ayos lang si Mama." pinunasan ko ang luha sa gilid ng mata niya.
Pinunasan ko ang luha ko habang hindi niya nakikita. Kumalas ako sa yakap ko at nginitian siya. Huminga ako ng malalim habang hinihintay siyang tumahan. Hindi ko makalimutan ang mga unang buwan ko sa lugar na ito.
Hanggang ngayon naaalala ko pa rin ang tawa at tingin ng mga lalaking iyon, kinikilabutan ako. Mag-isa lang ako dati, wala akong kasama bukod sa bata sa tiyan ko. Kapag naiisip ko iyon, nadudurog ang puso ko.
Pinaghanda ko si Ez ng pagkain niya at gatas pagbaba namin ng kusina. Umalis na si Nami kahapon pa dahil abala siya sa ginagawa. Kakatapos niya lang maka graduate at masaya ako para sa kaibigan ko.
Nasulyapan ko ang kalendaryo paglabas namin ni Ez ng bahay. Hawak ko ang kamay niya, suot naman niya ang bag niya ngayon. Sumakay kami ng bus at nagpahatid sa clinic.
Pagpasok doon ay isa-isa nila akong binati. Agad nilang dinaluhan si Ez na tawang tawa na sa kanila ngayon. Pinanggigilan nila ang pisngi nito. Kita kong umirap si Ez kaya natawa ako. Ayaw niyang kinukurot ang pisngi niya, madali lang siyang mairita.
"Ez, dito ka." tinuro ko ang upuan sa likod ko lang.
Nagpalit ako ng damit at nagsimula na ako sa trabaho ko. Nag-ayos lang ako sandali ng mukha para presentable naman tingnan sa customer. Nakaupo lang si Ez at kinakausap ang ibang tao na nagtitingin ng mga aalagaang hayop.
"Doc, good morning!" bati ni Felicity na nasa labas.
Agad akong napatingin doon at naabutan ang titig ni Doc sa banda ko. Tumikhim ako at itinuloy ang pagpupunas kay Cloudy na nakatingin sa akin habang nakalabas ang dila. Ang makapal nitong balahibo ay mahirap patuyuin kaya kailangan bang i-blow dry.
Pumasok si Doc at kanya-kanya na sila ng batian. Tumigil ako sa ginagawa para bahagya itong nginitian.
"Good morning, Doc." bati ko.
Ngumiti siya at lumabas ang isang dimple, "Good morning, Autumn."
Dumiretso ito sa kanyang opisina para magpalit ng damit. Rinig ko ang usapan ng ibang katrabaho ko tungkol kay Doc na hindi ko na lang pinapansin.
Sinulyapan ko si Ez na kinakausap ng isang babae. Bumili ang babaeng iyon ng pusang napulot ni Felicity sa kalye kaya kinakausap nito si Ez habang pinoproseso pa ni Dalia ang papel.
"Ang gwapo talaga ni Doc. Ang cute ng dimple niya sarap pisilin ng pisngi!" hagikhik ni Loren.
Sinulyapan ko ulit si Ez na nakanguso na habang pinapanood ako sa ginagawa. Ngumiti ako sa kanya. Alam kong nababagot na siya dahil kanina pa nakaupo.
Inilagay ko si Cloudy sa kanyang kwarto at nilapitan si Ez, "Antok ka ba, Ez?"
Umiling siya, "Hindi, Mama."
BINABASA MO ANG
Star In Paradise (Hacienda de los Caballeros #1)
عاطفيةHacienda de los Caballeros Series #1