Kabanata 34

516 17 0
                                    


First monthsary. Sakto 'yon sa pag-uwi niya pero hindi ko sinabi. Wala rin siyang binanggit kagabi kaya hindi ko alam kung nasa isip niya ba 'yon o nakalimutan niya. Ayoko ring isipin na nakalimutan niya dahil maloloka na talaga ako.

Ano ba ang ginagawa sa first monthsary? Hindi ba karaniwan lang iyon? Paano ba iyon i-celebrate? Maybe date?

Nagscroll ako sa facebook at nakita ang bagong post ni Aaron. Ilang minuto ko itong tinitigan. Isang malawak na mga burol na tanawin sa baba ang pinost niya at ang caption no'n ay... I miss you more than life.

Napanguso ako. Ghost by Bieber?

Nagtipa ako ng mensahe kay Aaron pagbangon na pagbangon pa lang sa higaan.

Ako:

Good morning, Aaron. Tuloy ang pag-uwi niyo?

Ron:

Yes. See you, baby.

Baby? Ngayon ko lang napansin 'yon, ah. Kinagat ko ang labi ko at dahil maganda ang gising ngayon, naghanda ako ng agahan kaagad habang tulog pa si kuya.

Kapag nag grade twelve ako, dapat klaruhin ko na ang tungkol sa course na kukunin habang maaga pa para mapag-isipan pa nila. Gusto ko rin makasali sa top para maisip nilang kaya ko at maging proud sila sa akin.

Naupo ako at tinitigan ang cellphone. Kung batiin ko kaya siya? Special ang araw na ito para sa amin kaya kailangan ko siyang batiin. Kinuha ko ang phone at nagtipa ng mensahe.

Ako:

Happy monthsary!

Hindi kaya masyadong plain? Binura ko iyon at nag-isip ulit ng iba.

Ako:

Hey, baby. First month natin...

Ang boring ng dating. Binura ko 'yon at nagtipa ulit.

Ako:

Hindi ako sweet at first time ko rin kaya hindi ako sanay. Aaron, thankyou dahil palagi kang nasa tabi ko kapag kailangan kita. Iloveyou, happy monthsary!

Nagkamot ako at binura lahat ng tinype kong message. Sa huli, isang simpleng happy monthsary lang ang naisend ko sa kanya.

Ron:

Sweet. Hintayin mo ako.

Gusto kong ihagis ang phone ko. Masyadong normal ang reply pero traydor itong puso ko dahil mabilis ang tibok. Gusto kong magtampo pero kaunting text niya lang na ganito kumakalma na ako.

Oo, hihintayin talaga kita.

Naligo na lang ako pagkatapos kumain ng kaunti at pinalipas ang oras sa panonood sa sala. Bumaba si kuya na halatang bagong gising at mabilis niyang ibinato ang t-shirt niya sa mukha ko nang nakitang naghahalikan ang dalawang bida sa pinapanood ko.

Sinamaan ko siya ng tingin pagkaalis ko ng kanyang damit. Umiling siya at lumiko na papasok ng kusina.

Paminsan minsan ang reply ko sa text ni Aaron hanggang sa natapos ang palabas at mga bampata na ang sunod. Pilit kong iniintindi ang pananalita ng isang baboy habang hinihintay ang pagtapos ni kuya na kumain.

Lumabas si kuya at agad dumapo ang tingin sa tv, "Tabi dyan. Ako na manonood."

Naupo siya sa sofa at sinakop na lahat ng espasyo. Naipit ako sa gilid kaya imbes na makipagsiksikan ay tumayo ako at binato siya ng t-shirt sa kanyang mukha. Ito ang kinaiinisan ko sa mga lalaki. Kapag naupo sila akala nila pag-aari nila ang buong lugar.

Tumigil ako sa paglakad at binalingan si kuya, "Wala pa si Katelyn?"

"Sa susunod na sabado pa 'yon uuwi." sagot niya na tutok pa rin sa pinapanood.

Star In Paradise (Hacienda de los Caballeros #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon