Chapter 1 - Her Kindness

1.4K 30 9
                                    

Jahzara Brielle Stanley

"Pst!"

"Pst!"

"Grabe naman tong babaeng to! Hindi kaya bingi ang isang to? Kanina pa ako tawag ng tawag ni hindi man lang niya ko napapansin." rinig kong sambit ng kung sinong nilalang kaya mabilis pa sa alas kwatro ang pag-lingon ko sa kanya.

Andito nga pala ako sa bwisit na gubat na to. Naglalakbay papunta sa Veneficus Academy. Paano ba naman kasi si lola gusto niyang lakarin ko mula sa amin hanggang sa academy dahil parte daw ito ng training ko sa kanya. Tss.

"Hoy! Naririnig kita kaya manahimik ka dyan." seryosong sambit ko kaya naman napatalon ito sa gulat.

"T-Teka! Naiintindihan moko?" gulat na tanong ng magandang pegasus na nasa harap ko.

Ganda niya diba? Sana ol colorful

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ganda niya diba? Sana ol colorful.

Kanina pa niya ko tinatawagan tapos ngayong pinansin ko naman magtataka kung bakit naiintindihan ko siya? Adik din ang isang to.

"Obvious ba?" sarkastikong sagot ko kaya naman napa-irap ito. Wow! Marunong din palang mag-inarte ang mga to.

"Hmp! Ikaw palang naman kasi nakakaintindi sa kagaya ko." maktol na saad niya kaya naman napa-iwas ako ng tingin. Oo nga pala, nakalimutan kong bihira lang ang may makaintindi sa iba't ibang nilalang.

"Anong kailangan mo?" tanong ko at binalewala ang pagmamaktol niya.

"Hihingi sana ako ng tulong sayo. Nararamdaman ko kasing lulusubin ng darkanians ang Mythical Land kaya naman naghanap ako ng pwedeng tumulong samin." paliwanag niya kaya naman sumeryoso din ako.

Napagpasiyahan kong tulungan siya kaya naman todo ang saya niya nang pumayag ako. Alam kong cold ako pero may puso rin naman ako kaya wag kayo.

"Btw, ako nga pala si Azalea." pakilala nito sa akin ng nasa kalagitnaan na kami ng paglalakbay.

Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kanya. "Azalea? So, ikaw ang Reyna ng mga mythical creatures?" takang tanong ko sa kanya.

"Oo, hindi ba halata girl? Sa ganda kong to malalaman mo na agad eh." mahangin na sambit niya matapos tumango.

"Tss."

"Cold treatment lang? Kanina ka pa kaya tahimik dyan, baka mapanis laway mo nyan." maarteng saad niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Eh kung isakay mo nalang kaya ako at lumipad ka papunta sainyo?" sarkastikong saad ko.

"Oo nga noh? Bakit hindi ko ka-agad naisip yon?" parang tangang sambit niya kaya naman napa-irap nalang ako sa kawalan. Umupo naman ito para makasakay ako kaya naman dali dali akong sumakay dito.

Veneficus Academy : The Mysterious GirlWhere stories live. Discover now