Chapter 14 - Truth Or Dare

510 16 2
                                    

Nixie Gabriela Aqua (Gab)

"Wow!" sabay sabay naming sabi na nakanganga pa talaga dahil ang ganda talaga dito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Wow!" sabay sabay naming sabi na nakanganga pa talaga dahil ang ganda talaga dito.

"You can go now, Aira." biglang sambit ni Jaz na tinanguan lang ng kanyang guardian at naglaho nalang na parang bula.

"Kaya naman pala pinagpalit kami ng damit ni Aira ay para dito sa sinasabi niyang swimming pool na hindi ko pa magets noong una." tatango tangong saad ko sa aking sarili na sinang-ayunan din nila.

"Pwedeng dito nalang ako tumira?" tanong naman ni Alexa na ikinatawa naming lahat maliban nalang kina Ivan, Superior and Jaz. Minsan nga iniisip ko kung pinaglihi ba sila ng kanilang ina sa sama ng loob.

"May swimming pool, malaking bahay na lahat ng kailangan mo andyan na at arcade. Saan ka pa diba?" panggagatong naman ni Ivy at agree ako sa sinabi niya.

Kahit mas high tech ang Etheria Realm kumpara sa Mortal Realm ay mas nakakapag-enjoy naman sila kumpara samin. You know, magic, training, war. Umupo naman kami isa isa sa tabi ni Jaz at nagkwentuhan habang siya naman ay nakatingin lang sa mga puno.

"Guys, let's play a game." masiglang pag-anyaya ni Sab na nakapagpakuha ng atensyon namin. Magmula kasi ng marinig naming tawagin ni Jaz si Elsa ng 'Sab' ay ganon na din ang itinawag namin sa kanya.

"A game of what?" tanong naman ni Jaz kaya napalingon kami sa kanya.

"Truth or Dare. Sali ka?" nakangiting tanong naman ni Sab. Maybe boring lang to para sa iba pero para samin ay exciting ito dahil mas makikilala namin ang isa't isa.

Alam niyo naman siguro ang game na to diba? Ini-spin naman ni Sab ang bottle na ewan ko kung saan niya nahagilap. Tumigil din naman ito na nakaturo sa kanya.

"Malas naman." maktol niya. "Truth." Dahil si Jaz ang katapat niya ay siya ang magtatanong sa kanya. Mabilis naman akong naglagay ng invisible barrier samin. Barrier na makakadetect kapag nagsisinungaling ka o hindi.

"Who's your crush?" seryosong tanong nito na nakapagpamula ng pisngi ni Sab. I like it. Pinili mo to e kaya panindigan mo hahaha.

"Sana pala hindi nalang to yung pinili kong laro." reklamong bulong niya na rinig na rinig naman namin at napasulyap kay Cyrus na katabi niya ngayon kaya natawa kami.

"Ikaw Jaz ha. May tinatago ka palang kalokohan." natatawang pang-aasar ko kay Jaz na ikinatawa nila pero hindi niya kami pinansin.

"Hulaan ko. Isa sa mga prinsipe?" nang-aasar na sambit ni kuya, namumula man ay tumango pa din si Sab.

"At isa siya sa prinsipe ng Flamma Kingdom?" gatong na asar ni Tyler na mas lalong nakapagpamula kay Sab. Mukha na nga siyang kamatis e. Natawa naman kami ng biglang namula din ang pisngi ni Cyrus. Assuming din e pero siya yung tipo ng taong pwede talagang mag-assume lalo na obvious namang gusto nila ang isa't isa.

Veneficus Academy : The Mysterious GirlWhere stories live. Discover now