Jahzara Brielle Stanley
Halos usap-usapan na ang gaganaping festival sa friday. Wednesday na at hanggang ngayon hindi pa kami nakakapag-usap ni Kalyx para sa gagawin naming talent doon sa activity na yon.
Kanina pa nga ako kinukulit nina Aisha at Alexa sa kung ano daw ang gagawin namin. Kapag sinabi ko namang 'Hindi pa namin napag-uusapan.' ang sagot naman nila ay 'Asus! May pa-surprise surprise ka pang nalalaman, makikita din namin yan sa friday.' diba kaloka siya.
"Oh Superior? Anong ginagawa mo dito?" rinig kong sabi ni Aisha at dahil nasa kusina ako ngayon ay hinayaan ko na muna sila.
"Si Jaz sana, nandyan ba siya?" rinig ko namang sabi ni Kalyx.
"Alam ko na yan, may date kayo noh?" hula ko may nakakalokong ngisi na si Alexa nyan.
Naglakad naman na ako papalapit sa kanila dahil alam kong hindi sila matinong kausap. Baka bigla sunugin ni Kalyx buong dorm namin. Oo nga pala, hindi pa din kami nakakalipat sa ACES dorm tsaka wala na din naman kaming balak lumipat sa dorm na yon dahil nakakapagod magpalipat-lipat ng gamit.
"Gaga! Baka may practice sila, sa friday na yung festival diba? Mag-isip ka nga." sita naman sa kanya ni Aisha at nakatanggap pa talaga ng hampas.
"Aray ko naman! Malay mo mauwi yan sa date diba? Hmp!"
"Psh! Jaz! Si Superior mo nandito."
Ha? Ano daw? Superior ko? E kung kotongin ko kaya to ng hindi na magising.
"Bakit? May kailangan ka?" tanong ko ng makalapit na ako sa kanila.
"You're here, let's go?" pag-anyaya niya at hindi pa man ako nakakapayag ay tinulak na ako ni Alexa papalapit sa kanya at siya naman ay hinawakan na ang pulsuhan ko.
Lumabas naman si Kalyx habang ako ay parang tangang nakasunod lang sa kanya at nakatingin sa mga kamay namin. May iilang stupidyante pa kaming nadadaanan at may nagtatakang tingin sa amin. Nang makarating kami sa garden ay pina-upo niya muna ako sa bench dito bago magsimulang magsalita.
"So, anong plano mo para sa talent natin this coming friday?"
"Kakanta?" patanong kong sagot na naging dahilan ng pagtawa niyang mahina kaya naman napakamot nalang ako sa batok ko.
"We will sing then, any suggestion?"
"Hmm. Be my fairytale."
"Sure, anytime."
Nagtaka naman ako sa sagot niya at nang ma-realize ko ang sinabi niya ay natawa naman ako.
"I mean, 'be my fairytale' yung song na kakantahin natin." napa-iwas naman siya ng tingin matapos niyang ma-realize ang sinabi niya.
"So, magpa-practice pa ba tayo?"
"Tss. Syempre. Alam mo na ba yung lyrics non?"
"Hmm. Sort of."
•
•
Nasa quadrangle kami ngayon dito sa academy at gumawa sila ng mini stage dito. Nalaman ko din na kami lang palang ACES and yung mga superior na may potential na makasali sa ACES ang magpeperform ngayon. Wala kaming pasok kahapon dahil nagpe-prepare kami para sa gagawing Veneficus Festival ngayon. Tapos na din kaming mag-practice ni Kalyx at hindi ako sure kung practice ba na matatawag yon dahil nung sinubukan namin ay swabe lang yung flow ng pagkanta namin, yung tipong ilang weeks pinagpraktisan kahit hindi naman.
Btw, I'm wearing an off-shoulder dress na kulat navy blue. Pinaresan ko naman ito ng kulay white na gladiator sandals. Binili naman ako ng flower crown ni Alexa kahapon kaya gagamitin ko na. The crown was made of artificial roses na kulay navy blue and white.
"You look drop dead gorgeous. More like a Goddess."
Napaigtad naman ako sa gulat ng bumulong si Kalyx mula sa likod ko. Natawa naman siya ng sinamaan ko siya ng tingin.
"Tss. You're not so bad yourself." nakangiting sambit ko na ikina-ngiti niya rin.
"Good afternoon, everyone! Hindi ko na patatagalin pa ang sasabihin ko. Now, I would like to call our Head Mistress, Ms. Thalia Elyse Scott, to give her message to our dear students. Please welcome her with a big round of applause."
Lumabas naman si lola mula sa likod ng stage matapos sabihin ng emcee ang mga katagang yon. Napuno ng palakpakan ang paligid at mararamdaman mo talaga ang excitement nila.
"A pleasant afternoon to all of you. We were here today to witness the opening of our Veneficus Festival. This festival is very special not just for our students but to all of us. I am thanking everyone for coming and I know that you're already excited to witness a ravishing performance from our very own students. So I, Dean or Head Mistress Thalia Elyse Scott, calling the attention of all people as we welcome the SUPREME who's going to lit the stage on fire! Around of applause please!"
Supreme?
Marami din palang pumunta sa academy para lang sa festival na ito. Hindi pa nga namin alam kung sino ang mga judges e.
Pagkatapos sabihin yon ni lola ay lumabas ang mga kaklase namin na may potential para makapasok sa ACES. So, silang 12 na kaklase namin ay iisang grupo nalang din? Naging madilim na din ang stage at wala ni isang ilaw ang makikita dito.
Nagsimula namang tumugtog ang kantang 'Better When I'm Dancing by Meghan Trainor'.
Nice choice of song.
Nagsimula naman silang sumayaw at sari-saring komento ang natatanggap nila. Ang iba ay pumapalakpak pa dahil magaling nga talaga sila.
Matapos nilang sumayaw ay sumunod naman sina Ivan at Aisha. Team NASH pa nga yung tinawag bago sila lumabas. Nakakatawang isipin na yon pa talaga pinili nila.
Nagulat naman ang ilan ng lumabas ang guardian ni Aisha na si Ember at ang guardian ni Ivan na si Icea. Lumilipad ang mga ito ngayon sa ere at ngayon naman ay nakasakay na sina Aisha at Ivan sa kanilang guardian.
"Ember, use flame wheel!"
"Icea, use Ice Punch!"
Oh! This is what Aisha meant.
Lumabas ang pabilog na fire sa ere at naging yelo ito. Umiikot pa rin ang fire kahit na nasa loob ito ng yelo at kamangha-mangha dahil hindi pa rin nalulusaw ang yelo.
Dumaan naman doon sina Ember at Icea sakay sakay sina Aisha. Nagpakitang gilas muna sila na lalong ikinamangha ng mga manonood. Kasali na din ako.
"Ember, use magical flare!"
"Icea, use aurora beam!"
Nagsanib naman ang magical flare at ang aurora beam at unti-unti itong nalusaw kasama ang pabilog na fire na may yelo kanina. Para itong fireworks na ikinamangha ng lahat. Bumaba naman si Aisha at Ivan sa kanilang guardian at sabay sabay na nag-bow.
Sumunod naman sina Alexa at ang name na tinawag sa kanila ay ACES. Tamad mag-isip e noh.
Napangisi silang lahat nang magsimula ng tumugtog ang kanta nila, 'Beautiful Life by Sasha Lopez'.
Nagsimula na silang sumayaw at lalo pang napangisi ng makitang namangha ang karamihan.
Nang matapos ang tugtog ay akala ko tapos na pero bigla nalang pumunta si Dylan sa pwesto ng drums, si Calvin sa pwesto ng piano at sina Ivy at Gab naman ay kumuha ng gitara.
Nagsimula naman silang tumugtog ng 'Rewrite the Stars by Zac Efron and Zendaya'. Nakita ko naman si Sab at Cyrus na magkahawak kamay tapos hawak hawak ang mic nila sa isa pang kamay. Nasa gitna naman sina Alexa at Tyler na ikinataka ko.
Nang magsimulang kumanta sina Sab at Cyrus ay sumayaw naman sina Alexa at Tyler. Nakakatawa lang dahil romantic yung pagsayaw nila. For sure aasarin to mamaya.
YOU ARE READING
Veneficus Academy : The Mysterious Girl
Aléatoire"To deceive your enemy, begin with your ally." Siya ay si Jahzara Brielle Stanley. Napilitan siyang mag-aral sa Veneficus Academy dahil yon ang gusto ng kanyang mga magulang. Sa pagpasok niya sa paaralang ito, may makikilala siyang bagong mga kaibig...