Jahzara Brielle Stanley
Sa wakas nandito nako matapos ang dalawang buwang paglalakbay ko! Grabe naman kasi yung layo nung bahay namin ni lola dito.
"Jaz, bago ka pumasok dyan kunin mo muna ito." biglang sambit ni Azalea ng makababa na ako sa kanya.
May lumutang na bagay at sa palagay ko isa sa mga spirit stone ito kaya nagulat ako dahil ang tagapagmana lang nito ang siyang makakapagpalabas ng tunay na kapangyarihan nito.
Inabot ko naman ito at inilagay sa bulsa ng hoodie ko dahil balak kong ibigay nalang kay lola. Kung hindi ko pa naibabanggit, Head Mistress ang lola ko sa Veneficus Academy kaya alam kong hinahanap din nila ang spirit stone na ito.
"Sa tingin ko kasi ay yan ang pakay ng mga darkanians at kaninang naglalakbay tayo papunta dito ay may nararamdaman akong presensya sa kagubatan. Galing din sila dito sa paaralang ito kaya palagay ko ay hinahanap din nila yan." mahabang paliwanag pa niya.
"Oo, salamat. Mag-iingat ka." sambit ko at hinaplos haplos ang mga balahibo niya.
Hinintay ko pa muna itong maka-alis hanggang sa hindi na siya matanaw ng aking paningin at nagpasiyang pumasok na sa academy.
"Miss, bakit ka naparito?" tanong nung isang kawal na nagbabantay sa gate ng academy.
Malamang para mag-aral diba? Inalis ko sa isip ko yon at tumingin sa kanya ng seryoso. "Naparito ako dahil inimbitahan ako ni Head Mistress na dito mag-aral."
Tinignan naman ako nito ng maigi tsaka ngumiti. "Mukhang nagsasabi ka nga ng totoo ngunit itatanong muna namin kay Head Mistress para sigurado." magalang na saad niya na sinuklian ko lang ng tango tsaka umupo sa malaking bato na nasa tabi.
Mukhang truth detection ang kapangyarihan ng isang yon kaya nalaman niyang nagsasabi ako ng totoo. Hanga din naman ako sa seguridad nila dahil malalaman mo talagang safe ang mga taong nag-aaral dito.
Lumipas pa ang ilang minutong paghihintay ko ay pinapasok na ako ng kawal. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at ang ganda! Mukhang mag-eenjoy ako sa pananatili ko rito.
Mabuti nalang sunday ngayon kaya iilan lang ang mga stupidyanteng nadadaanan kong may mapanghusgang tingin.
Ilang minuto pa akong nag-ikot ikot bago makarating sa Head Mistress's Office. Ayoko kasing magtanong tanong kaya minabuti kong ako nalang ang maghanap ng office ni lola. Isa pa parang tinour ko na din ang sarili ko dito diba? Talino ko talaga.
Kumatok pa muna ako ng tatlong beses bago ako tuluyang pumasok. Nakita ko naman si lola na nakaupo sa kanyang trono at nakatingin sa mga papeles na nasa table niya. Mukhang hindi niya ata napansin ang pagkatok at pagpasok ko.
"Ehem." tawag-pansin ko sa kanya at success naman dahil gulat na napatingin siya sakin.
"Apo!" masayang sambit niya at mabilis akong pinuntahan upang yakapin ng mahigpit.
"L-Lola, baka g-gusto niyong b-bumitaw." nahihirapang sambit ko dahil hindi ako makahinga sa higpit ng yakap niya.
"Sorry, apo. Namiss lang talaga kita." nakangiting sambit niya matapos niyang kumawala sa pagkakayakap sakin.
"Miss daw pero hinayaan ako ng dalawang buwan mag-isa." bulong ko.
"Narinig ko yon." sambit niya kaya naman napakamot ako ng batok.
YOU ARE READING
Veneficus Academy : The Mysterious Girl
Random"To deceive your enemy, begin with your ally." Siya ay si Jahzara Brielle Stanley. Napilitan siyang mag-aral sa Veneficus Academy dahil yon ang gusto ng kanyang mga magulang. Sa pagpasok niya sa paaralang ito, may makikilala siyang bagong mga kaibig...