Chapter 47 - She's Back

419 15 0
                                    

Jahzara Brielle Stanley

Naglalakad na kami nina Aisha dito sa hallway at gaya nga ng sabi ni Zeke kahapon ay sasama siya. Wala pa namang nakakakita samin dahil 6:14 am pa lang. Aga diba? Pumunta agad kami dito dahil gusto naming maayos ang mga gamit namin. Sa dating dorm pa din naman kami titira nina Aisha pero si Zeke ay lalaki kahit hindi halata kaya tutulungan pa namin siyang mag-ayos. Sila lang pala.

"Sino kakatok?" kinakabahang tanong ni Zeke na para bang natatae.

Nakarating na kasi kami sa harap ng pinto ng office ni lola. First time palang kasi makapunta ni Zeke sa isang academy. He's 21 years old pero kung umasta ay parang mas bata pa samin.

"Tsk! Ako na." simpleng sagot ni Aisha na naging dahilan para kabahan lalo si Zeke.

Hindi lang pala si Zeke, pati na din si Alexa. Ano bang nakakakaba sa pagkatok ng pinto? May saltik talaga itong dalawang to.

Kumatok na si Aisha ng tatlong beses at hinintay namin may magsalita sa loob dahil baka tulog pa si lola o ang secretary niya. Ang aga naman kasi naming pumunta kaya hindi ko sila masisisi kung tulog pa sila.

Nagulat naman sina Zeke at Alexa nang biglang bumukas ang pinto. Tumambad samin ang gulat na gulat na mukha ng secretary ni lola.

"J-Jaz?" nau-utal na sambit niya at kinusot kusot ang mga mata na para bang hindi makapaniwala na ako ang nakikita niya. "I must be hallucinating again."

"You're not." seryosong saad ko at ngumiti ng totoo matapos kong hawakan ang magkabila niyang kamay palayo sa kanyang mga mata.

Alam ko kasing isa din siya sa nahirapan sa nangyari noong nakaraang araw lang. Alam kong sinubukan niya akong ipagtanggol sa iba ngunit wala din siyang nagawa.

"Oh my God!" gulat na saad niya at biglang napayakap sakin. "I'm glad that you're here."

"Well, me too, Ms. Sanchez." nakangiting saad ko na ikinangiti niya din naman.

"Come inside." alok niya samin at pinaupo sa sofa na nasa harapan ng table ni lola.

Nakakatawang isipin na hindi pa din kami napapansin ni lola hanggang ngayon. Tutok na tutok kasi siya sa mga binabasa niyang papeles. Tumikhim naman ako na naging dahilan para mapansin niya kami, walang halong plema yan ha.

"Oh Jaz! Mga apo!" masiglang sigaw niya at tumakbo papunta samin para yakapin kami. "Who's this handsome man here?" pilyang saad ni lola ng mapansin si Zeke.

At ayon na nga, lumaki na ang ulo ni Zeke. Ngingisi-ngisi pa siya na akala mo e nanalo ng lotto. Pero walang lotto dito ha? Nalaman ko lang yon sa Mortal Realm.

"Ezekiel James Miller, 21 years old and I can summon any kind of spirits." nakangiting pagpapakilala ni Zeke at nagpogi sign pa siya.

Hanep.

"So, kayo ang sinasabi ni Cecilia? I mean, kayo ang apat na transferees?" excited na tanong ni lola na ikinatawa namin.

"Yes, lola."

"Isasali ko na kayo sa ACES class ha? Nasa ACES class naman din kayo noon kaya doon nalang kayo and as for Mr. Miller, sigurado naman akong qualified na siya para masali sa ACES class." saad ni lola at ngumisi ng nakakaloko.

Veneficus Academy : The Mysterious GirlWhere stories live. Discover now