Jahzara Brielle Stanley
Mabilis na lumipas ang araw kaya naman nakabalik na kami sa kani-kaniyang dorm namin sa Veneficus Academy. Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi sa akin ni Kalyx noong gabing nag-usap kami. Monday na ngayon at andito ako ngayon sa hallway kasama sina Alexa at Aisha papunta sa Headmistress's office. Ipinapatawag daw kasi kami ni lola at sa palagay ko ay alam ko na ang dahilan.
"Ikaw na kumatok." saad ni Alexa kay Aisha sabay tulak dito papunta sa pinto ng office ni lola. Andito na pala kami hindi ko man lang napansin.
Pati ba naman pagkatok ay pag-aawayan nila? Lumapit nalang ako sa pinto tsaka kumatok para matigil na sila, baka malate pa kami sa pagiging childish nila.
"Come in." rinig kong sabi ni lola kaya naman binuksan ko na ang pinto at nauna ng pumasok.
"Good morning lola. Bakit niyo po kami pinatawag?" bungad na tanong ni Alexa ng makaupo na kami sa sofa na nasa tapat lang ng table ni lola.
"Nothing serious. Gusto ko lang sabihin sainyong tatlo na ngayon ang araw lilipat na kayo ng section or class." nakangiting sagot naman ni lola.
"Ano?! May nagawa po ba kami? Ililipat niyo po ba kami sa itermediate class or worse sa novice class? Lola naman." maktol ni Alexa at napahilamos pa sa mukha kaya naman natawa si lola sa kanya. Kahit kailan talaga ang OA ng babaeng to e.
"OA mo. Hintayin mo muna kasing matapos sasabihin ni lola." sita sa kanya ni Aisha kaya naman napasimangot siya.
"Actually, kabaliktaran ng iniisip mo ang mangyayari. Sa ACES Class ko kayo ililipat, diba yan yung napag-usaan natin noong nakaraan? Heto na din pala ang mga uniform niyo. Kayo na ang bahala kung kailan niyo gustong lumipat sa dorm ng mga ACES." nakangiting sambit ni lola tsaka binigay samin isa isa ang mga bagong uniform namin.
Ilang minuto ang lumipas ay umalis na din kami sa office niya at nagtungo sa dorm namin para magpalit ng damit. Time check, 8:53 am na kaya 7 minutes nalang ang natitirang oras bago magsimula ang unang klase namin.
Matapos naming mapalitan ang uniform namin ay mabilis kaming nagtungo sa room ng ACES Class. Habang naglalakad kami sa hallway ay tumunog naman ang bell, hudyat na magsisimula na ang klase.
"Shit! Andyan na ata sa loob yung magiging professor natin." natatarantang sambit ni Alexa ng makarating na kami sa harap ng ACES classroom kaya binatukan siya ni Aisha.
"Wag ka ngang mataranta dyan, excuse naman siguro tayo dahil ngayon lang sinabi ni lola na dito na sa ACES Class tayo papasok." sambit naman ni Aisha at kumatok na sa pinto.
"Pwede namang sabihin ng walang kasamang batok." bulong ni Alexa habang hinihimas himas ang kanyang ulo kaya napa-iling nalang ako.
Bumukas naman yung pinto at bumungad samin ang isang magandang babae na sa tantsa ko ay nasa mid 20's palang.
"Oh andito na pala ang mga transferees e." anunsyo nung babae kaya napatingin samin ang mga bagong classmate namin. "Come in and please introduce yourself." nakangiting dagdag niya kaya nagsipasukan naman kami.
Nakalimutan ko palang banggitin na may ilang Superior Class ang kasama sa ACES Class classroom. Sila yung mga may potential na mapabilang sa ACES Class. Nang makapasok kami ay lahat sila maliban sa mga royalties ay nagtatakang nakatingin sa amin at may iba pa ngang nadidiri pa. Nakita ko pa si Kalyx na sakin lang nakatingin kaya binaling ko nalang ang atensyon ko kay Dylan at Ivy na nagbabangayan na ngayon.
YOU ARE READING
Veneficus Academy : The Mysterious Girl
Random"To deceive your enemy, begin with your ally." Siya ay si Jahzara Brielle Stanley. Napilitan siyang mag-aral sa Veneficus Academy dahil yon ang gusto ng kanyang mga magulang. Sa pagpasok niya sa paaralang ito, may makikilala siyang bagong mga kaibig...