Jahzara Brielle Stanley
"Hay! Kapagod! Pahinga muna tayo?" biglang sambit ni Gab at nagpuppy eyes pa.
"Oo nga, ang bigat bigat din ng dinadala ko." nakangusong sambit naman ng kanyang kuyang si Dylan.
"Psh! Paano ba naman kasi magmimission tayo pero dala dala mong damit pang isang buwan!" kunwareng inis na sambit ni Ivy at umirap pa.
"Pake mo ba ha?" inis naman ding sambit sa kanya ni Dylan.
"Tss. Okay." malamig na saad naman ni Kalyx the mokong kaya naman napasigaw sila ng 'Yeees!'.
Umupo naman ako sa tabi ng puno at isinandal ang likod ko doon. Sila naman ay tinabi ang mga dala nilang gamit. Akala ata nila maga-outing kami, nakalimutan ata nilang mission pinunta namin dito.
"Btw, kanina ko pa napapansin na sina Jaz, Alexa at Aisha lang ang walang dalang gamit satin." biglang saad naman ni Ivy kaya napatingin silang lahat sakin.
"Ganon kasi talaga pag maganda." taas noong sambit ni Alexa kaya naman nakatanggap siya ng malakas na batok kay Aisha.
Ngumuso lamang si Alexa at sinamaan ng tingin si Aisha. Bumuntong-hininga naman ako at kinuha ang phone ko sa bulsa. Kagaya nga ng sabi ko, parehas lang naman ang mga gamit namin sa Mortal Realm pero mas high tech ang samin.
"All my things are here."
Nakuha ko naman ang atensyon nila na ngayon ay nakakunot na ang mga noo nila. Akala ata nila nagbibiro ako kaya naman tinaasan ko lang sila ng kilay.
"Seryoso?!"
"Hindi ko gets." nabaling naman ang atensyon namin kay Cyrus. "Paano nagkasya dyan mga gamit mo? Isa pa phone lang naman yan."
"Tsaka paano napunta mga gamit mo dyan? Paano din lalabas mga yon?"
I sighed. It looks like I need to explain on how this thing works.
"Just snap your fingers, just like this." dinemonstrate ko naman sa kanila kung paano ito gumagana. "Then first, makikita mo sa screen na normal lang. Just like this, wallpaper lang ng phone ko yung nakikita niyo. Second, you must say 'activate'." at bigla namang nawala ang wallpaper sa phone ko at napalitan ito ng kung ano ang mga gamit na inilagay ko. "There, makikita mo ang mga gamit na inilagay ko. Third, say 'keep'." at biglang may lumabas na blue light na para bang scanner sa camera ng phone ko. "Itatapat mo lang itong blue light sa gamit na gusto mong ilagay and then it will transfer here in my phone."
Napa-nganga naman silang lahat at napatili naman sina Sab, Ivy at Gab.
"Ang cute mong magtagalog!" tumitiling sambit ni Gab kaya naman natawa sina Alexa at Aisha. Napa-irap naman ako sa kawalan dahil akala ko pa naman namangha sila sa phone ko.
"Paano naman yan lalabas dyan?"
"Just say 'deactivate' at pipindutin mo kung ano yung gusto mong ilabas, it's either click it or say it."
"Where did you buy that?" takang tanong naman ni Gab kaya naman umiling lang ako.
"I invented this."
Halos malaglag naman ang panga nila sa sinagot ko. Namamangha at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Hindi ko naman talaga binili to, nakita pa nga nila Alexa at Aisha na ginawa ko to nung first day ko palang sa academy kaya nga meron din sila e.
YOU ARE READING
Veneficus Academy : The Mysterious Girl
Random"To deceive your enemy, begin with your ally." Siya ay si Jahzara Brielle Stanley. Napilitan siyang mag-aral sa Veneficus Academy dahil yon ang gusto ng kanyang mga magulang. Sa pagpasok niya sa paaralang ito, may makikilala siyang bagong mga kaibig...