Third Person's POV
Kinabukasan, pagsapit ng 6:00 am ay sabay sabay silang nagkita sa labas ng gate ng academy. Hindi pa din kasi nakakalipat sina Jaz sa ACES dorm kaya naman naisipan nalang nilang sa labas ng academy sila magkikita kita. Wednesday na ngayon at kailangan makauwi na sila sa saturday dahil yon lang ang ibinigay na oras ng kanilang Head Mistress.
Naunang dumating sina Jaz, Alexa, Aisha, Ivan, Tyler at Kalyx sa pinagusapan nilang lugar kung saan sila magkikita.
"Ang tagal naman nila." maktol ni Tyler na nakapagpabasag sa nakakabinging katahimikan.
Kumuha ng bato ang binata at nagsimulang gumuhit sa lupa upang maibsan ang kanyang kainipan. Tinignan lamang siya ng mga kasama niya at umiling iling dahil madalas ay bata nalang ang gumagawa nyan.
"Para kang bata na iniwan ng ina." sita sa kanya ng dalagang nagngangalang Alexa.
"Atleast halatang teenager palang ako, ikaw naman gurang na." pang-aasar sa kanya ni Tyler matapos itapon ang batong pinulot niya at pinagpag ang kanyang kamay.
"Tsk! Sa beauty kong taglay nagmumukha akong gurang? Neknek mo."
"Maka-beauty ka dyan e wala naman akong makita." pang-aasar naman ulit ni Tyler ngunit hindi pa rin niya naiinis ang dalaga.
"Oh heto!" saad naman ni Alexa at ibinato sa kanya ang nakatuping papel.
"Mapa? Para saan to?" nagtatakang tanong naman sa kanya ng binata.
"Para mahanap mo kung nasaan ang pake ko." sarkastikong sagot naman sa kanya ni Alexa kaya naman natawa nalang ang mga kaibigan nilang kadadating lang.
"Suntukan nalang oh!"
"Bakla!"
Nagtuloy-tuloy pa din ang bangayan nila ngunit hindi na sila pinansin ng mga kasama nila. Kompleto na din sila ngayon at ready ng lumisan.
"Let's go?" seryosong tanong naman ni Jaz at gumawa ng portal na kakaiba sa paningin ng mga prinsesa at prinsipe.
Natigil naman ang bangayan nina Alexa at Tyler ng mapansing aalis na pala sila. Isa isa silang pumasok at napa-upo ng makalabas sila sa portal. Andito na sila ngayon sa harap ng Grim's Forest na kailangan nilang pasukin.
"Here, eat this." saad naman ni Jaz at isa isa silang binigyan ng energy regenaration candy na siya mismo ang may gawa.
Matapos kainin ng mga kasama niya ang candy na ibinigay niya ay bumuti ang kanilang pakiramdan.
"Bakit parang kakaiba yung portal na yon? Ngayon lang din ako nahilo matapos pumasok sa portal." biglang saad naman ni Elsa o Sab kung tawagin ni Jaz sa kanyang isipan.
"Ang portal kasi na gawa ni Head Mistress ay limited lang kaya hindi kayo nahihilo sa portal niya. Ang kay Jaz naman ay kaya niyang gumawa ng portal papunta sa iba't ibang dimension or realm." pagpapaliwanag naman ni Aisha na tinanguan lang ni Jaz bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.
Namamangha naman nilang tinignan ang dalaga kaya naman napa-iwas ito ng tingin.
Natigil ang kanilang pag-uusap nang magsimulang maglakad ang Superior nila papasok sa loob ng Grim's Forest. Magkahawak kamay pa sina Calvin at Dylan marahil dahil sa pangambang nararamdaman nila. Gustuhin mang matawa ng mga kasama nila ngunit wala sila sa tamang sitwasyon para dito.
YOU ARE READING
Veneficus Academy : The Mysterious Girl
Random"To deceive your enemy, begin with your ally." Siya ay si Jahzara Brielle Stanley. Napilitan siyang mag-aral sa Veneficus Academy dahil yon ang gusto ng kanyang mga magulang. Sa pagpasok niya sa paaralang ito, may makikilala siyang bagong mga kaibig...