Someone's POV
Nakatingin kami ngayon sa lawa kung saan nakikita namin ang nangyayari sa Etheria Realm.
"Bwisit na mga darkanians yan! Bakit ba kasi hindi nalang sila mamuhay ng tahimik sa Underworld Realm." singhal ni Ares na ikinatawa namin dahil umuusok na ang kanyang ilong dala na rin siguro ng inis niya. "Hoy mga hangal! Hindi biro to kaya wag niyo akong tawanan dyan!"
"Laughtrip naman kasi pagmumukha mo." natatawang sambit ni Aiden na ikinatawa lang din namin ni Ivory.
"Ano sa tingin niyo ang mangyayari sa Reyna ng Terra Kingdom?" biglang tanong ko habang nakatingin sa lawa.
Nakikita ko na naglalakbay ang mga darkanians at sa palagay ko ay papunta sila sa portal na makakapagpabalik sa kanila sa Underworld Realm.
"Maaaring ikulong nila ang Reyna o hindi kaya ay paslangin."
"Tsk! Bakit hindi nalang kasi natin siya tulungan."
"You can help them anytime you want but prepare for her wrath hahaha."
"What did you say?"
Nagulat kaming lahat ng may magsalita mula sa likuran namin. Dahan dahan kaming tumingin sa kanya at nagdasal na ako sa maaaring mangyari samin. Lumuhod kaming lahat at tumungo upang magbigay ng galang.
"A-Ah e-eh." kung wala kami sa sitwasyong to e baka tinawanan na namin si Aiden.
Sino ba naman kasing hindi kakabahan at matatakot kung nasa harapan mo si Empress.
"Tss. You don't understand yet the meaning of what I'm doing, but soon it will be clear to you. Trust them, trust me."
Naglaho nalang siya bigla matapos niyang sabihin yon at naiwan kaming nakanganga dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin doon?
"Shit! Kinalabutan ako ng matindi don."
"Ano kayang meaning ni Empress doon?"
"Basta ang alam kong dapat nating gawin ay wag na tayong makialam sa mga nangyayari sa baba at magtiwala nalang."
Jahzara Brielle Stanley
Nandito ako ngayon sa garden ng academy namin dahil wala akong kasama. Nakabalik na nga pala kami sa academy at matapos naming ibigay ang Amethyst Crystal kay lola ay umuwi ang mga prinsesa at prinsipe sa kani-kaniyang kingdom nila. Sina Alexa and Aisha naman ay pumunta sa bayan para tulungang bumili ng mga damit ang limang archdemons dahil sunday naman ngayon.
"Caleb."
"Yes, Your Highness?" biglang sumulpot si Caleb sa lap ko kaya naman hinimas himas ko ang uluhan niya.
"Nothing."
Alam ko namang naintindihan niya kung bakit ko siya tinawag. I'm bored as fuck. Baka nga kausapin ko nalang bigla ang mga damuhan dito.
Naramdaman ko namang may paparating palapit sa akin at hindi na ako nag-abalang tumingin pa dahil kilala ko ang aurang to. Nagulat naman ako ng bigla niya akong yakapin mula sa likod ko.
"W-What are y-you doing?"
Shit! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sa kanya palang din ako na-utal ng ganito nakakainis. Bawas angas to.
"I'm so tired, just let me hug you for a while. You're my favorite place to go, when my mind searches for peace."
Hindi naman ako nakagalaw sa sinabi ni Kalyx at hinayaan nalang siyang yakapin ako mula sa likod. Ilang minuto pa ang nakalipas ay kumalas na din siya sa pagkakayakap sakin at umupo sa tabi ko.
YOU ARE READING
Veneficus Academy : The Mysterious Girl
Ngẫu nhiên"To deceive your enemy, begin with your ally." Siya ay si Jahzara Brielle Stanley. Napilitan siyang mag-aral sa Veneficus Academy dahil yon ang gusto ng kanyang mga magulang. Sa pagpasok niya sa paaralang ito, may makikilala siyang bagong mga kaibig...