Jahzara Brielle Stanley
Matapos naming magpasalamat kina Mademontre, Flora at Fauna ay gumawa na agad akong portal patungo sa harap ng gate ng Veneficus Academy.
Naglalakad kami ngayon papunta sa office ni lola para ibalitang successful ang mission namin.
"Kyaaah! Ang gaganda at ang gwagwapo talaga ng mga prinsesa at prinsipe."
"Ang ganda ni Alexa!"
"Be mine, Aisha!"
"Grabe! Tinamaan na ata ako doon sa babaeng katabi ni Alexa pre."
"Mas maganda pako dyan."
"Tsk! I still can't believe na ang transferee na yan ay part na ng ACES."
"Sipsip."
"Hindi siya nababagay mapabilang sa ACES."
Napatingin naman ako kay Alexa ng yakapin niya ang braso ko. Nakita ko namang sinamaan niya ng tingin ang mga taong may masasamang sinabi tungkol sakin kaya naman napangiti nalang ako ng palihim.
"Jaz, okay ka lang?" tanong pa nito sakin at sinulyapan ako kaya naman tumango lang ako. "Nakakagigil sila! Sarap nilang buhusan ng kumukulong tubig e. Akala mo naman kung sino kung makapagsalita."
"Don't mind them, just let them be." napatingin naman ito sa akin ng may nagtatakang tingin dahil sa sinabi ko. "People will judge you for everything you do, be it right or wrong, good or bad, easy or difficult. They will have their own assumptions, their own beliefs. What they think of me has nothing to do with who I am. I know myself better than anyone else."
Nakita ko naman napangiti ito na para bang proud na proud pa sa sinabi ko. Napatingin naman ako sa mga kasama ko dahil napansin kong kanina pa sila tumahimik. Nakatingin din pala sila sa akin at nakangiti kagaya ng ngiti nung babaeng nasa tabi ko. Nakikinig pala sila sa usapan namin ni Alexa kaya tumahimik.
Nang makarating kami sa harap ng office ni lola ay kumatok na agad si Kalyx at binuksan ang pinto kahit na wala pang sinasabi si lola na pwede na kaming pumasok.
Nakita naman namin siyang naka-upo sa kanyang trono dito sa office niya at may mga binabasang kung ano ano. Tumikhim naman si Kalyx kaya nabaling ang tingin nito sa amin.
"Oh! You're already here." nakangiting saad ni lola ngunit kapansin-pansin ang malalim niyang eyebags.
What happened?
"Nasa akin na po ang water spirit stone, Head Mistress." masayang sambit ni Gab kaya naman napalingon ito sa gawi niya.
"Really? Ang bilis niyong natapos ang mission niyo. I'm proud."
"Kami pa ba, Head Mistress." pilyong sambit ni Tyler kaya naman natawa si lola.
"Ang gold coins na matatanggap niyo ay ilalagay ko nalang sa black card niyo. Thursday palang naman ng hapon kaya bibigyan ko kayo ng tatlong araw na pahinga. Pwede kayong lumabas ng academy basta siguraduhin niyo lang na makakauwi kayo dito sa sunday."
Napasigaw naman sila ng 'Yeees!' at tumalon talon pa kaya naman natawa ulit si lola. Alam kong may mali at may pinoproblema siya pero ayaw niya muna itong sabihin samin kaya rerespetuhin ko ang desisyon niya.
"Alexa, Aisha." pag-tawag ko sa kanila kaya naman napatingin sila sa akin. "Want to come over to my house?" pagtatanong ko na ikinangiti niya ng malapad.
YOU ARE READING
Veneficus Academy : The Mysterious Girl
Random"To deceive your enemy, begin with your ally." Siya ay si Jahzara Brielle Stanley. Napilitan siyang mag-aral sa Veneficus Academy dahil yon ang gusto ng kanyang mga magulang. Sa pagpasok niya sa paaralang ito, may makikilala siyang bagong mga kaibig...